Kristine's POV Continuation.. Pagkatapos ay tinungo ko ang Refrigerator at naghanap ng pwedeng maipulutan dito. Sakto namang may M&M's Chocolates at kinuha ko ito at may nakita din akong minatamis na beans na nakalagay sa malaking garapon. Tila naging puso ang mata ko dahil dito. "Wow grabe ang sarap neto, iihh namis ko ito talaga sobra." Tsaka inilagay ko ito sa mesa at muli bumalik upang magtipak naman ng yelo. "Maryosep, ang hirap pala nito... " Halos hindi ko ito matutunan, ang akala ko pa naman ay madali lang ito kapag nakikita ko kina tatay. Hanggang sa hindi ko namalayan ang pagdating ni Brenan. "Ang sexy mo talaga ate. Grabe!" bulong pa nito sa akin mula sa likuran ko. "Heh ewan ko sayo. Ano pala nabili mo?" tanong ko, habang tuloy lang ako sa ginagawa ko. Napatawa na

