The Teleporter Episode 2
They call me Grey.
I'm in my early 30s, living by myself across the metro. Why, you asked? It's because I can't stay in just one place. I have to constantly move from one place to another to evade those who come after me.
No, I am not wanted by society.
But yes, people are after me.
I am not sure if they are foes or allies, but one thing is for sure.
They want my abilities.
I have had this gift for as long as I can remember. I can teleport from one place to another in an instant. From the lobby of a building to the 50th-floor rooftop in less than a second. From Manila to Davao in the blink of an eye.
I tried my best to live as normally as possible, but it seems like this gift always finds a way to force me to use it. And the world is not ready for it.
People are starting to ask how I can save a girl from getting hit by a bus while I am just standing on a line inside a*****e, just a second ago. And I don't have answers for them.
The more I learn to use and control it, the more exposed I become.
People are starting to reach out to my family and friends.
So for their safety, I decided to cut ties with anybody who knows me.
I faked my death. Then started living on my own, blinking from one place to another. I have no problem with money. I can get as much money as I want, whenever I want.
I just have to be sure that nobody knows me. So I stayed away from the light, lurked in the shadows.
I have to find answers about my powers.
And I have to do it alone.
Inside a Science facility somewhere in the Southern parts of the Philippines.
"SIR!" saludo ng isang animo'y sundalo na naka suot ng parang green na ghillie suit. Meron din siyang parang facemask na may nakausling mga goggles na nagbiblink ng mahina.
"Yes 3891, report." Utos ng naka amerikanang matangkad na lalaking nag bibigay ng authoritative na aura sa kanyang tindig.
"Subject 22's last traces recorded around the Pasig Area, sir. From a dark alley to a building top. We lost track of him there. This happened just last night, sir." pag uulat nya.
"You know he would not use the elevator to go down and walk home, right?" parang naiinis na tanong ng matangkad na lalaki.
"No, sir. But traces are more quickly to disappear in high areas, sir. Just like when we lost him in the Cordillera Mountains." paliwanag ng naka ghillie suit.
"I see. Have we heard anything from the other teams?" follow-up question nito.
"Yes, sir. Team 2791 is closing in on Subject 14's area. It seems like he does not wander far from his comfort zone. " Sagot naman ng naka ghillie suit
"Okay. Keep me updated. " pagtatapos nito.
Sabay lingon sa assistant nya.
"Have cell number 4 ready in case team 2791 gets here with the subject. I want it ready as soon as possible." utos nito.
"Why are you still here?" tanong nito sa naka ghillie suit.
"There is one more thing you need to know, sir." sagot nito.
"What's that?" Kunot noo nitong tanong.
"We found traces of subject 22 on a girl, sir. It seems like he took the girl with him when he teleported. If this is true, it only means that he already learned how to teleport with baggage. Organic baggage. " paliwanag nito.
"Well, that's not good. Bring the girl here. We got to understand how he did it." utos nito sa naka ghillie suit.
"Right away, sir. " tugon nito sabay alis.
Si Jam ulit. 3 am. Same street kung san siya naholdap dati.
"Ano ba naman to, dito na naman ako dadaan mag isa. Walang kwenta naman kasi, may jowa ka nga, hindi nman maasahan sa mga ganito. Parang walang pakialam kung magahasa ako." inis nyang naisip habang nag dadalawang isip kung tutuloy ba siya o maghintay muna ng makakasabay.
Sumilip silip muna siya sa eskinita kung me tao ba doon. Parang wala naman. Pero parang mas maliwanag na siya ngayon kesa nun nakaraan. Naipaayos na ata yun street light kasi kita na ang kabuuan ng kalsada e, wala na mga blind spot.
Kaya nag lakas loob na rin siya lumakad papasok ng eskinita. Hawak hawak nya sa bulsa ng bag nya ang nakaready nyang pepper spray kung sakali man may mag tangka ulit sa kanya.
Pagdating sa kalagitnaan ng eskinita ay biglang may lumapit na 3 taong naka maskara sa kanya.
"Miss Jam Hermosa?" tanong ng isa sa mga ito.
"Sino po kayo?" gulat na tanong niya.
"We are a part of a secret agency under the UN. We just need to ask you some questions, if you could please come with us." paliwanag ng isa pa.
"Ayoko nga, di ko naman kayo kilala!" Malakas nyang sagot.
"I am afraid refusal is not an option. Let's go." matigas nitong pahayag.
"Ayoko nga eh! TULONG!! TULONG!!" sigaw nya para makakuha man lang nang attensyon ng mga tao.
Kaso wala talagang dumadaan sa lugar na iyon pag ganoong mga oras.
"Please just cooperate. We don't want to hurt you. " pahayag ulit ng isa.
"NOOO!!! LEAVE ME ALONEE!!!! "siigaw ni Jam.
Nang akmang dadakmain na siya ng mga naka maskara ay bigla na lamang bumagsak ang isa sa mga ito sa harap nya. Paglingon nya ay naka ready nang lumaban ang dalawa pang natira para pigilan ang bigla na lamang sumulpot na naka hoodie.
"I told you to stop chasing me. And now you are trying to take on an innocent lady? You guys really suck, you know that?" sabi nito sa mga naka maskara.
"Let's go get him!" sigaw ng isa
Naglabas na ito ng metal stick na me stunner sa dulo. Sabay palo sa direksyon ni Grey.
Pero bago pa man lumapat ang pamalo ay wala na si Grey.
Sabay litaw sa likod ng isa pang naka maskara. At dahil hindi naka ready sa bigla nyang pagsulpot doon ay madali itong napukpok ni Grey ng hawakan ng pamalo na kinuha nya sa nauna.
Tulog.
Isa na lang.
Kahit kinakabahan na dahil alam nyang wala siyang laban sa kaharap ay determinanong lumaban ang natitirang masked man.
"I won't knock you out if you promise to just walk away now, and never bother me ever again." Alok ni Grey dito.
"You know I can't do that." matatag nitong sagot.
"Okay, I understand. I just thought I'd give it a try," sagot ni Grey.
"I admire your dedication. If I were your boss, I'd give you a raise." Nakangisi nitong patuloy.
Sabay naglaho itong muli.
Iwinasiwas ng masked man ang kanyang pamalo paikot sa sarili nya na para bang pinipilit hulaan kung saan siya lalabas.
"Hahahaha.. Does he look stupid or what." biglang sabi ni Grey habang lumitaw sa tabi ni Jam at umakbay pa dito.
"PPOOP!" pang aasar nito sabay pisa pa sa ilong ni Jam.
Sabay biglang naglaho muli.
Akmang tatawag na ng back up ang masked man nang biglang lumitaw si Grey sa harap nito.
"Booo!" panggugulat nito sa masked man.
Dahil sa pagkabigla ay nawalan ito ng balanse at natumba pahiga kaya nabitawan din nito ang comms na ipang tatawag nya sana ng backup.
"You know, I like you. But you are not giving me any choice, dude. Now I've got to knock you out. Hays... I hate doing this," paliwanag ni Grey.
"Oh well." pahabol nito sabay hampas ng dulo ng pamalo sa ulo ng masked man.
"Thhhudd!" tunog ng palo sabay nawalan ng malay ang masked man.
"Give me a minute, okay? Don't move, pretty girl." utos nito kay Jam.
Pagkatapos ng mga 2 minuto ay bumalik ito.
"All done. Let's go." masayang sambit nito.
"San mo sila dinala?" nagtatakang tanong ni Jam.
"Look up in the sky.. It's a bird.. It's a plane.. NO! It's three masked men up in a tree. hahahaha" parang tuwang tuwang sambit nito.
Paglingon ni Jam sa itinurong puno ni Grey ay andun nga ang mga masked man at nakasabit sa tuktok ng akasya. Nakabitin patiwarik gamit ang mga belt nila na itinali nito sa kanilang mga paa.
"What did you do to them??!!" gulat na bulas ni Jam
"Don't worry, they're good. They'll just spend the night here, with the night birds. hahaha.." hindi pa rin mapigil nito ang tawa
"come on, let's go!" Aya nito sa kay Jam.
"Where are we going?" takang tanong nito.
"I'll explain later. Their backup is coming, and I can't afford to have them have a trace on you again. " Mabilis na explanation nito.
"Hold on tight, pretty girl, this is gonna be big." patuloy nito.
Paghawak nya sa braso nito ay bigla na naman umikot ang paningin nya. Para siya nasusukang nahihilong hindi nya maintindihan.
Hanggang mawalan na naman siya ng malay.