The Teleporter Ep 1
The Teleporter: Episode 1
2:30 AM
Sa isang madilim na eskinita ng Maynila.
Pauwing nag lalakad si Jam, isang 26 year old na dalagang may balingkinitang katawan. Nakasuot siya ng office skirt saka blouse at naka blazer dahil galing siya sa kanyang trabaho bilang BPO Agent.
At sa dami ng beses na nyang tinahak ang parehong eskinita, ay kampante lang siya naglalakad mag isa. Hindi nya tuloy namalayan ang isang pares ng mga matang kanina pa nakamasid sa bawat kilos nya.
Pagsapit sa pinakamadilim na parte ng eskinita, bigla na lamang may humablot sa kanya sabay yakap sa likod nya. Nagulat na lng siya na may nakatutok na ring patalim sa kanyang leeg.
"Wag ka na pumalag miss kung ayaw mo masaktan." mahinang sabi ng lalaki.
"Akina ang selpon, wallet at pera mo, bilis." utos nito.
"O-o-opo, ibibigay ko po, wag mo lang ako sasaktan.." Pakiusap naman ni Jam.
"Hindi kita sasakatan, bilisan mo lang" pag mamadali ng lalaki.
"E-etoo na po.." nangangatal na sagot ni Jam sabay abot ng mga gamit.
"yan ganyan nga.. edi wala tayong problema.. HHHmmmmm" pangisi ngising sabi ng lalaki.
"Ang bango mo pala miss ahh... ang lambot ng katawan mo.. baka pwede naman umisa.. hehehe.." manyak nitong pagpapatuloy.
Sabay dakot sa suso ni Jam na nanginginig na sa takot
"W-W-Wag po.. nakuha nyo na po ang gamit ko, aalis na po ako.." takot na takot nitong saad.
"ANONG HUWAG?! Alam mo ba kung gaano na katagal nun huli ako nakatikim ng babae? hehehe.." sagot ng manyak
"Lalong lalo na na hindi pa ako nakaka tikim ng kasing ganda mo.. Hhhhhhmmmmm.. "Patuloy pa nito habang hinihimas ang makinis nyang hita.
At tuluyan nang hinila ng manyak na lalaki si Jam sa isang sulok ng eskinita na madilim at walang katao tao.
"Dito tayo ms byutipul.. Dito kita dadalhin sa langit. hehehehe.." naguulol nitong wika.
Sabay sapilitang inihiga si Jam sa isang nakalatag na karton.
"W-w-waagg pooooo.. huhuhu.." Pag mamaka awa ni Jam.
"Relax ka lang, ako bahala sayo, masasarapan ka rin dito, pramis. hehehe.. " sabi ng manyakol na lalaki.
Huhubarin na sana niya ang blazer ni Jam ng bigla may dumagok sa kanya mula sa likod
"Thugguuk!" tunog ng malakas na dagok na tumama sa likod ng ulo nya.
"araykuh!" sigok nyang wika sabay lingon sa likod.
Hinanap nya ang gumawa nun habang pakamot kamot sa sulo. Pero wala syang nakitang tao sa paligid.
"Baka guni guni ko lang yun." nasa isip ng manyak.
Itutuloy nya sana ang pagtatanggal ng blazer ni Jam nun bigla me sumipa sa mukha nya mula naman sa harap. Sabog ang ilong na napahiga ito sa kalsada.
Pilit itong tumayo at hinanap muli ang may gawa ng pag upak sa kanya.
"Sino ka! Asan ka! Putang ina ka papatayin kita!!! " pag wawala nito dahil wala siyang makita kahit sino sa paligid bukod sa kanila ni Jam.
Sa galit ay inilabas muli nito ang patalim at humandang lumaban sa kung sino man ang umaatake sa kanya.
"Lumabas ka jan! Magpakita ka! Wag kang duwag!" pag hahamon nito.
"BOOOH!" sambit ng isang lalaking bigla na lamang sumulpot sa mismong harap nya sa lubha nyang ikinagulat.
Bago pa lang babawi ang manyak ay nasapol na siyang muli ng suntok sa mukha ng lalaking hindi nya malaman kung san nang galing. Namamaga na ang duguan nyang ilong kaya hirap na rin siya sa paghinga.
"Gggrrahhhh!!!" Pasugod nyang sigaw sa lalaki para saksakin ito.
Pero bago pa man umabot sa lalaki ang patalim ay bigla na naman itong naglaho sa harap nya.
Litong lito man ay pinilit nyang hinahap ang lalaki.
"WWWAAAAHHHH!!!" biglang sulpot na naman nito sa harap nya, na animo'y multong pasulpot sulpot kung saan nito naisin.
"Aaayyyoookoooo naaa!!! huaawwwaaaaahhhh!!! Nanay ko!!!!" takot na takot nyang sigaw sabay takbo sana palayo.
Kaso ay pagsapit nya sa dulo ay andun nang muli ang lalaki at nakangisi sa kanya.
"Going somewhere? " tanong nito sa kanya.
Sa sobrang takot at biglang ikot ang ginawa nya papuntang kabilang dreksyon kaya hindi nya nakita ang naka usling kahoy sa kanyang daraanan.
Sakto sa ulo nya yun kahoy at dahil sa lakas ng pagkakauntog nya dito ay nawalan siya ng malay.
Itinali ng lalaki ang manyak ng zip tie saka iniwan sa mejo maliwanag na parte ng eskinita na me karatulang,
"HOLDAPER AKO DALHIN NYO AKO SA PULIS!"
Saka naman binalikan ng lalaki si Jam na parang tulala pa rin sa mga nangyari.
"Are you okay, Miss?" malumanay nitong tugon sa babae.
Napatingin lang dito si Jam, pero hindi naka sagot.
"Here's some water. This would help you calm your nerves a bit." Alok nito sa kanya.
She accepted the water and took a sip of it. She tried to look at the strangers' face, pero hindi nya makita ang mukha nito dahil sa facemask at shades nitong suot.
He gently helped her up and dusted her off a bit.
"You might want to go home now. Here's your stuff. Be more careful when you go home, especially at these wee hours in the morning. " Advice nito sa kanya.
"You might be from around here, but those kinds of men wouldn't care a s**t about it." patuloy nito.
"P-pa-ppaano mo nagawa yun? " putol putol na tanong ni Jam.
"Do what?" patanong nyang sagot.
"Y-yun nawawala tas lilitaw ulit." kinakabahan nyang tanong
"AAhhhh this." at bigla na naman nag laho ang lalaki.
Sabay litaw mga ilan hakbang mula sa kanya.
Hindi na kinaya ng utak ni Jam ang mga nang yayari at dahan dahan na siyang nawalan ng ulirat.
"Hey miss!" salo sa kanya ng lalaki.
Yun na ang huli nyang natandaan.
Nang imulat ni Jam ang mga mata nya ay hindi nya alam kung nasaan siya. Pero parang mahangin.
At ng igala nya ang kanyang paningin, napag alaman nya na nasa isang rooftop pala siya!
"Paano ko napunta rito?!!" tanong nya sa isip nya.
Hanggang may maaninag siyang tao na nakaupo sa pasamano mga ilang dipa mula sa kanya.
Naka gray na jacket, black na cap, black na pants at chucks. Pero dahil nakayuko, di pa rin nya maaninag ang mukha nito.
"Sino ka? Bakit ako andito?" gulong gulo nyang tanong.
"Relax. You're safe. You fainted, I don't know where your house is, so I just took you here. I'll take you home once you are ready." Malumanay nitong sabi.
"Who are you?" di nya mapigil na tanong.
Huminga muna ito ng malalim bago nag simulang mag salita.
"They call me "the Grey". I don't know where that name came from, but I think it's because of this jacket I am wearing. " pasimula nito.
"I can't really remember where I got this ability, but I knew I had it since I was a kid. Although I really have not used it much until recently. " patuloy nito.
"You mean the vanishing and reappearing act you do so randomly?" putol nya dito dahil sa kyuryosidad.
Napangiti ito.
"Yes, that one. I tried to just keep it, never to use it. But for some reason, it keeps finding its way to force me to do it. Especially when someone is in danger. I feel my stomach rumbling as if my instinct is telling me that something's not right." Patuloy nitong paliwanag.
"Parang spider sense?" parang bata na nyang tanong dito.
Natawa naman ito.
"Well, kinda. I can't tell for sure. I'm not Spider-Man, you know. hahaha." sagot nito sabay tawa.
"So, are you some kind of a superhero or something? " patuloy nyang tanong.
"hahaha.. Superhero, no..
A man with special abilities, yes.
Someone who is getting annoyed with your questions, very much yes." Patuloy na itong natawa.
"One last question." pahabol ni Jam.
"What is it?" tanong nito.
"Why are you telling me all this?" patanong nyang sagot.
"That's a good question. I really don't know why I told you this. I usually don't let anybody know about me. " sagot nito
"Maybe because.. I need to tell someone about it, or I'll explode. And maybe I know that you'll never tell anybody about me, right?" Nakangiti nitong pagpapatuloy.
"You know what's gonna happen to you if you tell anybody, right? I'll find you wherever you are." banta nitong hindi alam ni Jam kung nagbibiro ba or seryoso na.
"As if naman may maniniwala sa kin pag sinabi ko nangyari sa kin ngayon gabi. " sagot ni Jam.
"Naholdap, muntik na rape, sinagip ng superherong parang multo na pasulpot sulpot na walang mukha." natatawang patuloy nito.
"Kahit ako hindi ako maniniwala sa sarili ko e. hahaha" natatawa na rin nyang patuloy.
Bigla naglaho si Grey mula sa pwesto nya, sabay biglang lumitaw sa harap mismo ni Jam. Sobrang lapit na halos maglapat na ang mga mukha nila.
Hindi man maaninag ni jam ang buong mukha nito, pero langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito. Lalaking lalaki ang amoy.
"Do you believe it now?" nakangisi nitong sabi sa kanya.
Hindi naka sagot si Jam. Napa nganga na lng at natulala sakausap.
"Get ready, I'll take you home. " biglang seryoso nitong tugon.
"W-w-will I see you again?" tanong nya dito.
" I hope not. " simpleng sagot nito.
Hinawakan siya nito sa braso at sabay na silang naglaho sa rooftop na yun.
Nang mahimasmasan ay nasa sariling kwarto na sa inuupahang condo si Jam.
Litong lito kung paano siya nakauwi.