The Teleporter EP 4
Nagluto ng sinigang na baboy si Jam at sabay na silang kumain ni Grey.
"Wow, this is delicious! My Lola used to cook me this dish when I was a kid!" Magiliw na sambit ni Grey habang maganang kumakain.
"It's been forever since I last tasted a home-cooked meal like this! Thanks, pretty girl!" Patuloy pa nito.
Ngayon lang nakita ni Jam ng buo ang mukha ng lalaking ito. Walang black cap, walang facemask, pati ang kulay gray na jacket nito ay pansamantalang hinubad para kumain.
"Ang gwapo naman pala nito.." nasa isip ni Jam.
"Parang me lahing kastila ang korte ng mukha. Ang tangos ng ilong at mapupula ang mga labi.. Ang ganda rin ng mga bilugang mata nya na parang laging nangungusap.." patuloy nya sa isip
"sa panaginip ko lang ako nakakakita ng ganito kagwapo." saad pa niya.
"How did you learn to cook like this? You don't look like someone who likes cooking. I mean, you're cute and sexy. I am assuming either you are a career girl or a fashionista kind of girl. Either way, not someone who would bother learning to cook. This is amazing!" tuloy tuloy nitong sabi habang maganang kumakain.
Hindi sumagot si Jam at nagpatuloy lang sa pagtitig sa maamong mukha ng kaharap.
Napatingin si Grey sa kanya saka kumunot ang noo nito nang makitang naka titig pa rin si Jam rito.
"I am sorry, do I have dirt on my face? Or is this the first time you've seen someone eat like a wild animal? hahaha.." natatawa nitong tanong.
"No, natutuwa lang ako at nagustuhan mo ang luto ko. Sige kain ka pa, marami pa yan." parang kinikilig na sabi ni Jam.
"I sure will. YYUUUM!!" parang batang sagot ni Grey.
Hindi alam ni Jam, pero parang merong munting alab na unti unting nabubuhay sa kaloob looban niya..
Parang munting liwanag na unti unting kumakalat at sinasakop ang buo nyang pagkatao..
Parang may isang pisi na dahan dahang humahaba palabas ng kanyang puso..
Na wari'y hinahanap ang durugtong sa kanyang dulo..
Pagkatapos kumain ay naupo muna ang dalawa sa couch habang nanonood ng TV.
"Dalawang araw na matapos natin masaksihan ang tatlong misteryosong lalaki na nakasabit sa isang puno sa may Pasig City. Ayon sa ulat, walang pagkakakilanlan ang mga ito, at hindi basta basta natatanggal ang maskarang nakasuot sa kanilang mga mukha." tunog ng balita sa TV
"Sinubukan din umano ng mga autoridad na kilalanin ang mga tao at malaman ang dahilan kung bakit sila nakasabit sa puno, subalit hindi nag sasalita ang mga ito. Ayon sa huling balita, nai turn-over na ang mga ito sa Special Interogation Force para ipagpatuloy ang pagiimbestiga." patuloy ng balita.
"Samantala, isang sikat na paresan sa may kanlurang maynila ang nadiskubreng gumagamit ng bocha or double dead na karne. Ang kabuuan ng balitang yan galing kay Steeeevee Bilisan." sabi ng anchor.
"ano na kaya nangyari sa tatlong yun, sa tingin mo?" tanong ni Jam kay Grey.
"Knowing how our government works, they probably have turned them over back to Sector 13 for a good amount of cash. After that is a Media blockade, then tomorrow, it is no longer what the locals think it is. They'll say it's a movie gimmick, superstitious belief about aliens, hahaha.. The sky is the limit in this society we live in." sagot nito.
"Do you think this society still has any hopes of enjoying an honest government?" tanong ni Jam.
"Yes and No. But it all comes down to its people, whether or not they are willing to accept that the election is not a popularity contest. The only way we can have a better country is if we can teach our children how to vote right, and with dignity." Seryoso nitong sagot.
Napangiti naman si Jam.
"Gwapo na, matalino pa. Sayo na ako, Grey." biro nito sa sarili nya.
Maya maya pa ay narinig na lang ni Jam na naghihilik na si Grey sa tabi nya.
"Nnnggggggaaarrkkkkksss.." tunog ng hilik nito.
"Gwapo nga kaso ang lakas mag hilik!" natatawang wika ni Jam sa sarili.
Tapos bigla na lang nahulog ang ulo ni Grey sa balikat ni Jam habang patuloy ito sa paghilik.
"Nnnaggaaarrrrrssss.. hhhhhhrrrrrrsssssskkkk" hilik pa nito
Iaayos sana ni Jam ang ulo nito, pero paglingon nya dito ay nakita nya kung gaano kapayapa ang mukha nito habang natutulog.
Hinayaan na lang niya ito at nagpikit na lang din ng sariling mata.
Nagising na lng si Jam na wala na siyang katabi. Inikot nya ang paningin nya, ngunit hindi nya nakita si Grey. Umikot din siya bahay, pero wala tlga ito.
"Baka umalis tlga siya. As if naman hindi ko pa inexpect na bigla na lng yun mawawala. Di ba yun nga ang abilities nya." natatawang kausap ni Jam sa sarili.
Kaya naghanda na lng si Jam ng sarili para pumunta sa opisina at asikasuhin ang dapat asikasuhin.
"Talaga ba gurl, mag reresign kna? Sayang naman, for promotion kna di ba?" tanong ke Jam ng isa nyang kasamahan.
"Ano nangyari sayo Jam? Ilan araw ka din absent ah, awol ka daw. " saad naman ng isa pa.
"nabalitaan mo ba yun nangyari nun isang gabi? Di ba dumadaan ka dun? Naku napakadelikado na tlga ng panahon ngayon." ang isa pa.
"Oo e, kelangan ko kasi umuwi ng probinsya, me aasikasuhin ako dun. Pero baka bumalik rin ako dito pag naayos ko na. "Maikli nyang paliwanag.
"WHAT?!! What do you mean nag resign kna? Isn't this something we should have talked about? Bakit ni hindi mo sinabi sa kin na mag resign kna? Ano mo ba ako?" galit na tanong ni Jim, BF ni Jam sa kanya.
"I don't think I need to explain myself to you after what you've done." Malumanay na sagot ni Jam
"What do you mean after what I've done?? I did nothing to you. What are you talking about??" galit pa rin nitong bulas
"Yeah, you're right. You did nothing. You just let me go home alone, walk down that creepy street on my own, kung saan muntik na ako maholdap at ma rape, while you are having the time of your life drinking with your buddies." paliwanag ni Jam.
"I asked for you permission hindi ba, ano sabi mo? Bahala ako sa buhay ko. So I did. E ano iniyak iyak mo jan ngayon? " galit pa rin si Jim.
"You asked for my permission to go out with your buddies, kahit alam mong halos magmamakaawa na ako na ihatid mo muna ako dahil delikado nga sa dadaanan ko. Tapos malaman laman ko pa, kaya pala hindi ka maawat ay dahil andun yung ex mong nakikipag balikan sayo." malumanay pa rin sagot ni Jam.
"WTF are you talking about? Who told you that? Hindi totoo yan, Jam. Alam mong hindi kita kayang lokohin." tiim bagang nitong sabi.
"Oh common, Jim. Cut the crap. Alam naman natin na matagal mo na ginagawa sa akin to. Magkasama rin kayo nun nag tagaytay ka kasama ang tropa mo diba?" sabi ni Jam.
"San naman nanggaling yan? Ikaw talaga napaka kitid ng utak mo! Sa kakaselos mo, kung ano ano na lng pumapasok jan eh!" patuloy nitong galit
"Kung hindi ba naman isa't kalahating gago at bobo ang mga tropa mo, hindi ka sana nila tinag sa group pic nyo na magkaakbay pa kayo ng ex mo." si Jam.
Napanganga na lang si Jim.
"Anyways, wala naman na ako pakialam jan. Buhay mo naman yan. Gawin mo kung ano gusto mo. Gagawin ko kung ano gusto ko. Break na tayo Jim." pagtatapos ni Jam sa usapan.
"Ang tapang mo ah, bakit me bago ka na ba??!! Dati kulang na lang isampay mo katawan mo sa kin ah. Ano matapang kna? Me ipinagmamalaki ka na ba?" mayabang nitong tanong kay Jam.
Medyo tinatamaan na rin ng emosyon si Jam at nangingilid na ang luha nang biglang may umakbay sa kanya.
"Do we have a problem here?" biglang sulpot ni Grey.
"And who are you?! Wag ka makialam dito pare, away namin ng syota ko to! " galit na sigaw ni Jim.
"Is this joke of a man your boyfriend, pretty girl?" tanong na me halong pang aasar ni Grey.
"N-n-not anymore." Mahinang tugon ni Jam
"I see. So, she's not with you anymore, I'll take her from here. Goodbye, pare." natatawang sabi ni Grey.
"Aba't gago to ah.." sabay sugod ni Jim kay Grey ng suntok.
Wala naman ka effort effort na sinalo ni Grey ang suntok at piniga ang kamao ni Jim.
"kkkraaakkkk" tunog ng nagbabaliang buto ni Jim sa kamay.
"aaaahhhhh... enough enough.." sakit na sakit na pagmamakaawa nito kay Grey.
"I don't want to see your stupid face around her anymore, or I'll break every bone in your body, do you understand??!" matigas na sabi ni Grey.
Sabay bitaw sa kamay ni Jim.
Hindi na sumagot si Jim at pilit na pinapagpag ang sakit sa nabali nyang mga buto.
"Yyyeaaaahhhh!" biglang hiyawan ng mga tao.
Marami palang nakakita sa nangyari.
"Ang gwapo ng savior mo girl!!" sigaw ng isang bading
"parang pelikula!" sabat naman ng isa pa.
"Ano pangalan mo sir?" tanong ng isa pang bading
"Sorry guys, we need to go." putol ni Grey sa mga ito sabay hawak sa kamay ni Jam.
"Let's go, pretty girl." Sabay akay dito palayo.
Medyo malayo rin ang nilakad nila na magkahawak ang kamay, hindi naman tumututol si Jam, naka sunod lang siya sa pag-akay ni Grey.
At nang makarating sa isang medyo hindi mataong lugar, nagpalinga linga si Grey para siguraduhing walang tao sa paligid. Sabay bigla sila naglaho.
Lumitaw sila sa unit ni Jam sa harap ng counter.
"S-s-salamat ah.." pautal utal na sabi ni Jam.
"Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaksyon ni Jim kanina. Akala ko nga matutuwa pa yun gagu na yun nun nakipag break ako. Alam ko naman kasi na gusto lang ako nun pag me kailangan siya sa akin." paliwanag nya.
Dahan dahan itong lumingon sa kanya.
"I don't ever want to see you with that jerk face anymore. Ever." sabi nito sabay nag laho.
Naguguluhan man, ay nagpapasalamat pa rin si Jam sa pagkakaligtas ni Grey sa kanya. At medyo kinilig din sa isiping concerned ito sa kanya.
Nakangiti siyang nag ayos nga gamit at naghanda na para matulog.
"saan kaya kami pupunta bukas? sana sa may snow naman. O kaya sa Eiffel tower!" parang bata siyang naeexcite sa paparating na field trip sa eskewela.
"Kahit saan! Basta kasama naman siya, I'm sure maganda dun." parang bigla siyang namula
"bakit kaya ako nagkakaganito? Nagkakagusto na ba ako sa weirdong yun? Sabagay gwapo naman siya. Saka sobrang protective. Ngayon ko lang naramdaman ang ganun klaseng concern from someone.." kinikilig nyang muni muni.
"Pero bakit kaya siya bigla umalis kanina? galit kaya siya sa kin? Nagseselos? Hindi naman siguro.." patuloy nyang pagiisip
Nasa ganun siyang isipin nang dalawin na siya ng antok at nakatulog.
Tanghali na nang magising si Jam kinabukasan. Dahil siguro sa stress napinagdaanan nya these past few days kaya napahaba ang tulog nya.
Lumabas siya ng kwarto only to find herself alone in her unit.
Wala pa rin si Grey.
"Umuwi kaya siya kagabi? Asan na kaya siya ngayon? Sana okay lang siya.." suno sunod nyang tanong sa isip
Kumuha siya ng kape at naupo sa harap ng counter.
Habang andun ay nag iisip siya kung ano ang mga dapat nyang gawin at ihanda sa nalalapit niyang "pag tatago" pansamantala.
Naisip nyang ideposito sa bangko ang parte ng pera na ibinigay ni Grey sa kanya. Sa ganun ay mas madali siyang makakapag padala ng pera sa mga magulang nya, at meron din laman ang mga ATM nya kung sakaling kailanganin nila ni Grey ang pera. Hindi naman kasi pwedeng bungkos bungkos na cash ang dalhin nya.
Kaya aftter makapag kape ay naligo na siya at naghanda papuntang bangko.
Bale 3 bangko ang pinuntahan nya. Pinaghiwa hiwalay nya ang pera para naman hindi kahina-hinala na napakalaking halaga ng idineposito nya.
Pagkatapos mag deposit sa pang 3 bangko, uuwi na sana siya. Pero bago pa siya makalabas ay bigla siyang itinulak ng isang malaking mama sabay declare ng holdap!
"Holdap to, walang kikilos ng masama. Pera lang ninyo ang habol namin kaya wag na kayong magisip gumawa ng masama kung ayaw nyo madamay ang lahat ng tao dito." dekalara nito
"Insured ang pera nyo dito kaya hindi mababawasan ang laman ng mga bank accounts nyo kahit holdapin namin tong bangko. Makipag cooperate na lang po tayo para wala nang masaktan pa." patuloy na paliwanag nito.
Matalino rin tong holdaper na to, naisip ni Jam. Napanood siguro nito si Heath Ledger. Natatawa nyang isip habang sumasabay sa pagdapa ng mga kasama sa loob ng bangko.
"Let's start!" sabi ng matangkad na parang lider ng grupo.
At nagkilusan na ang hindi bababa sa 7 kataong kasabwat ng holdaper.
May pumalibot sa mga tao, me dumampot ng manager, diretso sa vault.
Sa isang sulok ng bangko, naka tali sa likod ang kamay ng dalawang gwardiya, na hindi mawari kung me malay tao ba dahil hindi gumagalaw.
"Maghintay lamang po tayo ng ilan minuto. Hindi namin kayo sasaktan. Pera lang ang kukunin namin. Ni hindi namin kuknin ang mga selpon at alahas nyo, basta makipag cooperate lng kayo." pahayag muli ng matangkad na lalaki
"Darating kaya si Grey dito? Or kelangan ko mag amok dito para maramdaman nyang nasa panganib ako? Parang kampante lang kasi pakiramdam ko ngayon, mararamdaman nya kaya ako?" tanong ni Jam sa sarili
Bago pa man siya makapag isip muli ay bigla na lang sumigaw ang isa sa mga holdaper.
"Boss me kalaban!" sigaw nito
Bigla nagpanic ang mga tao.
"Anong kalaban pinagsasabi mo jan? Nakatali na dalawang gwardiya oh, me oras pa tayo bago makaresponde ang mga pulis." paliwanag nito.
"Nakagapos na po sila Jaxon sa likod, wala nang malay. Yun manager, ikinulong sa loob ng vault, di namin mabuksan." ulat nito
Bigla naalerto ang mga natitira pang apat na holdaper.
"Sige, ikutan nyo. Ratratin nyo kung sino man yun. " utos nito
Umalis ang dalawa at dalawa na lng sila natira para bantayan ang mga hostage.
"Tsk tsk.. Sinabi ko na naman na ayoko manakit, pinipilit pa talaga ako ng mga ito.." parang asar nyang wika.
" Is that so?" biglang wika ni Grey sa ibabaw ng naka zip tie na ring kasamahan ng lider. Wala na rin itong malay
"Huh? at sino ka naman? Wag kna makialam dito at small time lang naman kami. Kung gusto mo, hatian kna lang namin, eben share! Ano, deal?!" alok nito habang natataranta.
"Hhhmmm.. how does that work? Do we split it evenly among seven people, and me? Total of 8?? " nakangising tanong ni Grey.
"aaahh.. Yes, op kors!" sagot ng lider.
"Hhhmmm.. Well.. that doesn't seem fair.. The other 5 are just lying around sleeping. It should just be among the three of us still working. " suhestyon nito habang patawa tawa.
"Okay, okay, tri! Split among tri!" pabarok nitong tugon.
"You mean two?" sabi ulit ni Grey sabay bagsak sa harap ng lider ang natitira pa nitong kasama.
Tulog at nakatali ng zip tie.
"nak nang.." kinakabahan nang tugon ng lider
Sabay tutok ng baril sa ng isang cashier para gawin hostage.
"Let me go, I don't hurt dis girl. I go home pispul!" tarantang pahayag nito
" I am afraid I can't do that. You see, you've scared a lot a people here. Some are too old, some are even kids. What message would I send them if I let a bad guy like you walk away from a crime you committed?" nangungutya nyang tanong dito.
"Tarantado ka papatayin ko to!" galit na tugon nito sabay kalabit ng gatilyo
Pero nagulat ang holdaper nang makitang hawak na ni Grey yun baril nya na animo'y iniinspeksyon.
"P-p-p pano mo nakuha yan?! AKina na yan!" sigaw nito
"You really gotta learn how to ask politely. All you have to do is say please.. " Pang aasar pa ni Grey.
"Sige na, pliiiss.." parang nababaliw na ang holdaper.
"That's more like it. " inihagis ni Grey ang baril dito sabay lakad patalikod dito.
Napangisi naman ang holdaper at biglang binaril si Grey.
"KKLLLIIKK" tunog ng baril pero hindi pumutok.
"Oops, I forgot that you also need some bullets for that." Nakatawang sabi ni Grey sabay kalat ng bala sa sahig.
"Putang ina moo!!!!" sugod ng holdaper kay Grey.
Isang mabilis na karate chop ang binigay nito sa holdaper.
"You guys are pathetic. Should you have chosen to rob the congressman, governors, and senators who are rotten to the core, I wouldn't have stopped you. I could've even helped you. But the innocent people? C'mon.." sabi nito bago nawalan ng malay ang holdaper.
Maya maya lang ay naririnig na ang sirena ng mga pulis.
Akmang tatayo pa lang si Jam para lumapit kay Grey ng bigla na itong lumakad palabas ng bangko at sumabay sa bugso ng mga taong papalabas.
Ni hindi man lang siya tiningnan.
Kahit medyo nasaktan ay wala na nagawa si Jam.
May ilan araw na rin hindi nagpapakita si Grey.
Hindi pumupunta sa unit nya.
Hindi rin naman siya umaalis dahil baka bigla itong dumating.
"Hindi kaya nagbago na ang isip nito at wala na siyang balak na tulungan ako? Ayaw na ba niya ako isama sa pag blink blink nya? Baka napagod na rin siya kakaprotekta sa kin? puro kamalasan din naman kasi ang inaabot ko lately.." nalulungkot nyang isip
"What's for dinner?!" Masayang wika ni Grey paglitaw sa may sala ng unit nya.
"G-G-GREY!!!" gulat nyang bulalas sabay sugod ng yakap dito.