The Teleporter EP 30 . . Magkatabing namiminsala ang magkapatid na Hari at Prinsesa ng Bampira sa buong paligid. Gamit ni Vladimyr ang Kampilan at Juru Pakal sa magkabilang kamay, samahan pa ng napakalakas na telekenesis ability nito ay wasak at tumitilapon kung saan at kung ano ang kanyang tamaan. . "VOW TO YOUR KING!!!" sigaw nito sabay wasiwas ng mga espadang hawak para makalikha ng mga malalakas ng bugso ng enerhiya papunta sa mga nilalang sa buong battlefield.. Maging ang mga alagad nitong demonyo, bampira, at natitirang mga warewolves ay nagtatakbuhan sa pagiwas sa pag atake nito. . SI Vladeria naman ay nagpabagsak ng CHAOS METEOR SHOWER sa buong lugar gamit ang Santelmo. Animo'y bumabagyo ng mga nagbabagang kometa sa paligid.. "So this is the power of the Fire Amulet!

