The Teleporter EP 23 Nakahanda na nga ang mga kakampi nila Grey para sa mga paparating na kalaban. Naka pwesto na sa mga itaas ng puno ang mga Tikbalang hawak ang kanilang mga pana at sibat. Nakatago rin sa mga makakapal na damo at likod ng puno ang mga Bangkilan. Pinalibutan naman ng mga engkanto ang buong lugar para masiguradong hindi makikita o mararamdaman ng iba pang mga tao ang mangyayari dito. At pumasok na nang tuluyan sa kakahuyan ang mga agents ng sector 13. Mahigit 15 na tao ang unang batch na pinadala nito. Nang makapasok na nang husto sa loob ay pinaulanan na ito ng pana ng mga Tikbalang. Pero nagulat ang mga ito nang makitang hindi basta basta tumutusok ang mga palaso nila sa armor ng mga agents. "Amplified bullet proof body armor.." nakangiting sabi sa sarili ng isang

