Nag pupuyos sa galit si Marshall dahil na nangyari sa kaniyang matalik na kaibigan. Tinawagan niya si Ron at doon niya na kumpirma na nabawi na nga ng mga magulang nito si Georgina. Ngunit na habag naman siya sa binalita nito na nasa hospital ang dalaga ngayon, sinabi din sa kaniya ang pagka wala ng baby ni George. Napag tanto niyang sa sitwasyon ngayon ang mas nasasaktan ay si George. Alam niya kung gaano kamahal ng dalaga ang kaniyang kaibigan. Mahirap lang tanggapin para sa kaniya na wala na ito. Batid niyang wala siyang kakayahang ipaghiganti ang kaibigan. Pero kung mangyari man na mabigyan ng pagkakaton ay gagawin niya ito ng walang pagdadalawang isip. Hindi makatarungan ang kanilang ginawa. Naaawa din siya sa mga kapatid at tatay na naiwan nito. Sa kaniya ito umaasa at ngayon

