Dahil sa tindi ng stress at bigat ng kaniyang nararamdaman bigla nalang dinugo si Georgina. Nanlaki ang kaniyang mata sabay ikot ng kaniyang paligid. Hinimatay ang dalaga at mabuti nalang ay nahawakan agad siya ni yaya nancy kaya hindi ito bumagsak sa sahig.. Sumisigaw ang matanda para humihingi ng tulong, dinudugo ang dalaga kaya nag pa-panic na siya. Nauna dumating si Franco kaya agad biya dinaluhan ang kapatid. Natigilan ito ng makitang may dugo sa hita nito, nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng matanda ay agad nilapitan ito at walang pag dadalawang isip na binuhat ang kapatid para dalhin sa malapit na hospital. Naging mabilis lang kanilang byahe. May sumalubong agad na staff ng hospital at agad nilagay sa stretcher si Georgina. Wala parin itong malay at patuloy parin ang pagdurugo ni

