PAGKAUWI nila sa mansion ng mga Ildefonso, naroon na rin si Magdalena. Malapad ang ngiti ni Sirak nang lumapit siya sa kaniyang mama na kanina ay kausap lamang ni Doña Cattleya. “I missed you ma.” Saad niya habang mahigpit na nakayakap dito. “Namiss din kita anak.” Maluha-luha pa ang Magdalena nang kumalas ito sa yakap ng anak. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha ni Sirak at hinalikan sa magkabilang pisngi. “And I’m so happy right now. Oh God! Ikakasal ka na ang baby ko.” Turan nito. Bahagya naman siyang tumawa habang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak dahil sa nakikitang hitsura ng kaniyang ina. “Alam n’yo na po pala ang tungkol dito.” Aniya. Tiningnan naman ni Magdalena si Uran na nasa likuran lang ni Sirak. Ubod tamis itong ngumiti sa binata ’tsaka muling tiningnan ang anak.

