“GOOD MORNING MY LOVE!” Pagkamulat pa lamang ni Sirak sa kaniyang mga mata’y ang nakangiting mukha ni Uran ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kalalabas lamang nito galing sa banyo at halatang katatapos lang maligo. Malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi kahit inaantok pa siya. “Morning sinta!” Naglakad palapit sa kaniya si Uran at hinalikan nito ang kaniyang noo pagkatapos ay ang kaniyang mga labi. “How was your sleep babe?” “Mmm, mahimbing ang tulog ko.” “You’re right babe. It’s already eleven in the morning.” Biglang nanlaki ang inaantok pa niyang mga mata dahil sa sinabi nito. Alas onse na ng umaga? Napatingin siya sa maliit na orasang nasa ibabaw ng bedside table. Oo nga! Alas onse na ng umaga. Sobrang haba pala ng naging tulog niya. “Bakit hindi mo ako ginising si

