SERYOSO pa rin siyang nakatingin sa direksyon ni Uran habang kausap nito ang kaniyang Papa Arnaldo. Nagtataka lamang siya kung ano ang ginagawa ng kaniyang papa roon. Bakit ito kausap ni Uran? Hindi ba’t hindi naman sila okay? Mayamaya, napalingon sa direksyon niya ang kaniyang nobyo. Saglit siya nitong tiningnan bago ito nagbawi ng tingin at muling kinausap si Arnaldo. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kaniya. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga at hinintay na makalapit sa kaniya si Uran. “Sinta,” aniya. “Babe, gising ka na pala.” Anito at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Muli siyang napatingin sa kinaroroonan ng kaniyang papa. “A-ano... ano ang ginagawa rito ni papa? Bakit mo siya kausap?” tanong niya. Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Uran sa ere ’tsaka kinuha

