“ARNALDO—” “Come on Magdalena, huwag mo akong umpisahan ulit tungkol sa bagay na ito. Alam mo namang hindi na magbabago ang desisyon ko.” Saad nito dahilan upang maputol ang iba pa sanang nais sabihin ni Magdalena sa asawa nito. Bumuntong-hininga ito nang malalim ’tsaka naglakad palapit sa asawa. “Hindi ka ba naaawa sa anak mo? G-gusto mo ba siyang pahirapan dahil sa desisyon mong ’yan?” malumanay na saad pa nito. Nagtiim-bagang si Arnaldo at seryosong tinitigan ang asawa. Mayamaya, mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa nito na nasa sulok naman ng silid ng mag-asawa, tumayo ito at nagsalin ng alak sa basong naroon pagkatapos ay naglakad ito palabas ng veranda. “Hindi ko pinapahirapan ang anak mo Magdalena. I’m just doing my job as her father. Alam ko kung saan

