“SIRAK ANAK!” mahinang tawag ni Magdalena sa anak nang makapasok ito sa silid ay nakita nito si Sirak na nakatulala lang sa kawalan habang nakasandal sa headboard ng kama. Buntong-hiningang naglakad ito palapit sa higaan at umupo sa gilid niyon. “Hija—” “Ma please... I want to be alone.” Malamig na saad niya sa ina. “Pero anak, mamaya lang ay babalik na ang papa mo. Magagalit na naman ’yon sa ’yo.” Nasa boses nito ang pag-aalala para sa kaniya. Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere nang marinig niya ang sinabi nito. Wala na siyang pakialam kung magalit man sa kaniya ang kaniyang papa. Pero hinding-hindi siya haharap sa lalaking gusto nitong ipakasal sa kaniya. Hinding-hindi niya gagawin ang gusto nitong mangyari. Oh God! Kung sana kasi kinompronta muna niya si Uran kanina tung

