MAHIGIT isang linggo na ring naging abala si Sirak sa kaniyang trabaho simula nang makabalik sila sa bahay ni Uran, na ngayon ay bahay na rin niya. Dahil sa mga nangyaring problema no’ng nakaraan ay natambakan na siya ng mga gawain sa kaniyang studio. Mabuti na lamang din at naroon lagi sina Sugar at Paulo para tulungan siyang mag-asikaso sa mga kliyente niya. Si Uran naman ay naging abala rin sa trabaho nito na kagaya niya ay naambala rin dahil sa mga nangyari. Sa loob ng mahigit dalawang linggo, simula nang maikasal sila ni Uran, masasabi ni Sirak na magaan at masaya ang buhay niya, nilang mag-asawa. Hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa kaniyang puso. Lalo na sa tuwing gigising siya sa umaga at ang mukha ng kaniyang esposo ang kaagad na bumubungad sa kaniya. Uran is

