“CONGRATS, BRO!” Nakangiti lamang si Sirak nang malapad habang nakatingin kay Uran at sa kakambal nitong si Goran. Grabe, hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin siya makapaniwalang may kakambal pala ang kaniyang asawa. Habang tinititigan niya ang dalawa, wala siyang itulak kabigin na salita. Pareho ang hitsura nilang dalawa. Lahat ata ng features sa mukha ay parehong-pareho ang magkapatid. Kung hindi nga lang kilala ng puso at mga mata niya ang kaniyang asawa, malamang na malilito siya kung sino sa dalawa si Uran at si Goran. Parang nananalamin lamang ang mga ito sa isa’t isa. “Thank you bro!” anang Uran. “By the way, meet my wife again... she’s Sirak.” Ngumiti naman nang malapad ang lalaki nang balingan siya nito ng tingin. “Nice meeting you sister-in-law. Finally, nakilala rin kita

