“HUWAG ka ng malungkot, Madeline. Sigurado naman akong may dahilan kung bakit hindi kayo puwedeng magkatuluyan ni Salvador.” Malungkot na saad ni Magdalena nang umupo ito sa kaniyang tabi. Ngayong araw na ang kasal niya kay Manolo. Dahil sa nangyari sa kaniyang papa, wala na siyang ibang nagawa kun’di sundin ang gusto nitong magkapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Alang-alang sa kalagayan ng kaniyang papa, isasakripisyo na lamang niya ang kaniyang sariling kaligayahan. Kahit masakit para sa kaniya na kailanman ay hindi na siya makakabalik kay Salvador. Sa piling ng lalaking kaniyang tunay na iniirog. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Madeline sa ere pagkuwa’y binalingan niya ng tingin ang kaniyang kapatid. “Labis akong nasasaktan ngayon Magdalena. Mahal na mahal k

