“WIFE, come here! Humiga ka na sa tabi ko. Kanina pa ako nahihilo kakalakad mo riyan e!” Anang Uran sa kaniya nang muli siyang lumabas sa banyo. Bitbit pa niya ang labihin ng kaniyang asawa. Katatapos niya lang kasing punasan ang kaniyang asawa. Nagpalit na rin ito ng damit dahil naiinitan daw ito kahit malakas naman ang aircon sa kuwartong iyon. “Saglit lang sinta, I’m almost done.” Aniya at naglakad palapit sa sofa kung saan nakalagay ang bag na may lamang mga gamit nilang mag-asawa. Ang sabi kasi sa kanila ni Dr. Caspian ay kailangan pang manatili roon ni Uran ng isang araw para mamonitor pa ang sugat nito sa ulo. After that, puwede na silang umuwi at sa bahay na lamang ito magpagaling lalo para bumalik ang lakas nito. Pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa ay naglakad na rin siya pal

