“SIR! SIR URAN!” Bigla siyang naalimpungata nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kaniyang balikat at may tumatawag sa kaniyang pangalan. Kahit inaantok pa at nananakit ang kaniyang buong katawan ay pinilit niyang magmulat ng mga mata. Bumungad sa paningin niya si Makoy. Kunot ang noo na tumitig siya sa kaniyang secretary pagkatapos ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid. “Sir, hindi po ba kayo umuwi sa inyo kagabi?” tanong pa ni Makoy sa kaniya. Kahit mabigat ang kaniyang ulo at bahagyang kumikirot ang kaniyang sentido ay pinilit niyang kumilos sa kaniyang puwesto at dahan-dahang umupo. “What time is it, Makoy?” namamaos ang kaniyang boses. Yumuko siya at itinukod sa kaniyang mga hita ang kaniyang mga siko at banayad na hinilot ang sentido. “Alas otso na po ng

