“MABUTI naman at naisipan mo pang bumisita rito!” Napangiti si Sirak ng malapad nang makita niya ang kaniyang Mama Magdalena na pababa na sa mataas na hagdan. Saktong kapapasok niya lamang sa sala ng bahay nila. “Hi ma, how are you po?” aniya at humalik sa pisngi nito nang makalapit ito sa kaniya. “Ito, nami-miss ka na naman namin ng papa mo. Natitiis mo na naman kaming hindi makita ng ilang linggo.” Anang Magdalena na nagpakawala pa nang malalim na paghinga. Halata sa mukha nito ang pagtatampo sa anak dahil sa matagal na hindi pagbisita roon. Yumakap siya sa braso nito. “I’m sorry po ma, masiyado lang po talagang busy sa trabaho kaya hindi po kami makabisita rito.” Pagpapaliwanag niya. “Marami po kasing ginagawa e.” “Ano pa ba ang bago anak? E, simula pa man laging ayan na ang dah

