I’M SORRY WIFE! Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang mabasa na naman niya ang text message ng kaniyang asawa. “Ayaw mo ba talagang tanggapin ang panunuyo ng mister mo?” tanong sa kaniya ni Paulo habang abala na silang asikasuhin ang mga estudyante niya nang araw na iyon. May mga bata at adult ang naroon para mag-aral na mag paint. “Bahala siya sa buhay niya! Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kaniya.” Aniya habang nag-iikot siya at isa-isang tinitingnan ang mga gawa ng client s***h students niya. Nakangiting umirap naman si Pauo. “Nako, ang sabihin mo nagpapa-hard to get ka lang sa asawa mo.” Anito. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang tapunan niya ito ng tingin. “Anong nagpapa-hard to get ka riyan? Hindi ano! Talagang naiinis pa rin ako sa kaniya.” Sabi

