“OH DAMN IT!” tanging nausal ni Uran nang kunin niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon at makita niyang sandamakmak na missed calls ang natanggap niya mula sa kaniyang asawa. May mga text messages pa. Pabagsak siyang umupo sa kaniyang swivel chair habang nakahawak pa sa kaniyang baba. “Damn! Damn! Damn! I forgot.” Aniya nang buksan niya ang messages sa kaniya ni Sirak. Sinta, what time ka pupunta rito sa studio? Nagugutom na ako! Sabay ba tayong magla-lunch? Sinta, mag-reply ka muna please! Tiim-bagang na napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim at tinawagan ang kaniyang asawa. Pero nakapatay ang cellphone nito. It’s already seven in the evening. Kakabalik niya lang sa kaniyang opisina. Naging abala siya maghapon dahil sa dami ng kaniyang trabaho. Kabilaa

