CHAPTER 91

2550 Words

TAHIMIK lamang si Uran na pinagmamasdan niya ang kaniyang asawa na nasa sala at nanunuod ng palabas habang kumakain ng popcorn. Natayo naman siya sa gilid ng pintuan ng dining area at nakahalukipkip lamang siya roon. Kanina pa siya roon at pinagmamasdan lamang niya ang kaniyang misis. Gusto niya sanang lumapit dito para tabihan ito, maglambing dito, suyuin ito... pero paano niya naman iyon gagawin kung hanggang ngayon ay naiinis pa rin daw ito sa kaniya? Ang akala niya kanina ay okay na sila. Ayon pala ay hindi pa. Tinanggap nga nito ang sorry niya, pero hindi pa rin naman siya makalapit dito. Nagtataka rin siya kung ano ang nangyayari dito sa asawa niya. Ibang-iba kasi ang ugali nito ngayon. Paiba-iba rin ng mood. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y napangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD