CHAPTER 92

3107 Words

KUNOT ang noo na napalingon si Uran sa direksyon ng pinto ng guest room nang bumukas iyon. Nakita niya ang kaniyang asawa na sumilip sa maliit na siwang niyon. “Wife?” aniya at humarap siya rito habang ibinubutones niya ang kaniyang long sleeve polo. Katatapos niya lang maligo at any minute ay aalis na rin siya para pumasok sa kaniyang trabaho. Tipid na ngumiti sa kaniya si Sirak habang nakasilip pa rin ito sa siwang ng pinto. “What are you doing? Come in, wife.” Saad pa niya at naglakad siya palapit dito nang matapos siya sa kaniyang ginagawa. Hinawakan niya ang doorknob at binuksan niya ang pinto. “Um,” tumungo pa si Sirak habang nilalaru-laro nito ang mga daliri sa kamay. Mayamaya ay nag-angat ulit ito ng mukha. Maamo ang hitsura at tila nagpapa-cute sa kaniya ang kaniyang asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD