“THANK YOU JEN!” nakangiting saad ni Uran habang kasama niya sa kusina ng mansion ni Don Demetrio ang asawa ng kaniyang pinsan, kaibigang matalik din ito ng kaniyang asawa. Kanina, habang nag-iisip siya kung saan maghahanap ng pagkaing gustong kainin ng kaniyang asawa, tinawagan niya si Esrael maging si Octavio. Alam niya kasing laking probinsya sina Jen at Gracia. Nagbakasakali siyang alam ng dalawa ang pagkaing hinahanap ng kaniyang misis. And thank God, kasi alam daw pala ni Jen ang pagkaing sinasabi ni Sirak. Kaya hayon at dali-dali siyang nagtungo sa mansion ng Don Demetrio. “Wala ’yon Uran. And, masaya ako na malamang buntis na pala si Sirak.” “I mean, actually, hindi ko pa kumpirmado...” “Sigurado akong buntis na nga ang misis mo Uran.” “Are you sure?” Ngumiti ng mas malapad

