“WHAT is your problem?” kunot ang noo na tanong ni Sebas kay Uran nang pagkabukas nito sa pinto ng condo nito ay ang kapatid ang bumungad dito. Halata sa mukha ni Uran ang stressed dahil sa kaniyang asawa. Laglag ang mga balikat na naglakad siya papasok sa condo ng kaniyang kapatid hindi pa man siya nito inaanyayahang pumasok. “What is it this time, bro?” tanong pa ni Sebas matapos nitong isarado ang pinto at sumunod sa kaniya. “I have a big problem, bro.” Aniya. Nang marating niya ang sala, pabagsak siyang umupo sa mahabang sofa. Frustrated pa rin ang kaniyang hitsura. “Why?” Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. “She’s pregnant.” Aniya habang nakatulala sa kawalan. Muling nagsalubong ang mga kilay ni Sebas habang nakatitig ito sa kapatid. Mayamaya ay umupo na

