“MABUTI na lang at wala akong matres bakla, dahil kung hindi... siguro mababaliw rin ako kapag naglihi na ako.” Saad ni Paulo habang nakangiwi itong nakatitig kay Sirak na kumakain ng pinaghalo-halong carrots, pipino, papaya at manggang hilaw habang nakababad iyon sa maraming suka sa isang malaking bowl. Nangangasim pa ito. “Grabe! Bakla, hindi ka ba naaasiman diyan sa kinakain mo?” tanong pa nito. “Hindi naman bes. Masarap nga e!” sagot niya habang puno ng pagkain ang kaniyang bibig. “Ganiyan talaga kapag naglilihi, Pau. Kahit ’yong mga pagkain na hindi mo kinakain dati, madalas iyon ang pinaglilihian ng buntis.” Saad naman ni Sugar habang nakasandal ito sa gilid ng mesa at mataman ding tinititigan si Sirak. “And masaya talaga kami para sa ’yo bes. Sabi ko naman sa ’yo na subukan mo lan

