Pagkatapos kumain ay nagligpit at naghugas muna si Jewel habang si Marco ay nagpapababa ng kinain sa living room. Pag ganitong may review sila hinahayaan na lang sila ng mommy niya, routine naman na nila yun since high school. Natutulog na ang mommy niya sa kwarto nito at ang kapatid naman niya ay tiyak na nag aaral din sa sarili nitong kwarto. 2nd year dean's lister din ito sa kursong Nursing dahil gusto nitong mag doctor gaya ng daddy nila. Siya lang ang hindi pumasok sa medical field. 3rd year Civil Engineering student siya yun ang kurso nila ni Marco. Mas nag eexcel ang dalaga pagdating sa oral and written communication skills, leadership skills at organizational skills. Pero ang binata naman ay sa technical training, mathematical skills, problem solving at decision making. Kaya they both compliment each other dahil kung saan mahina ang isa dun naman malakas ang isa and vice versa.
"Finally I'm done here.. Marco let's go magligpit na tayo upstairs. Pero nakatulog na pala ang binata ng nakaupo sa sofa. Napangiti na lang si Jewel at akmang aakyat ng sa hagdan ng...
"Hindi mo ako ginising? Iiwan mo ako dito? Sabay pulupot ng braso nito sa bewang ni Jewel.
"Marco ano ba ang bigat bigat mo!.. Angal ni Jewel. Hindi ka na yung payatot dati na kaya kong hilahin habang nakakapit ka sa katawan ko.
"Please Jewel pagod at antok na antok na ako.. hayaan mo na akong magpabigat sayo please.. at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayapos ng braso sa bewang ni Jewel habang nakahilig ang ulo ni Marco sa likod ni Jewel.
Napapangiti at kinikilig naman si Jewel dahil ang totoo ay gustong gusto niya tuwing naglalambing sa kanya ang kaibigan. Nagsimula na siyang humakbang paakyat ng hagdan at ganun din naman ang pagsabay ng mga paa ni Marco pabalik sa kwarto ni Jewel. Sumalampak paupo sa sahig si Marco at inabot ang mga reviewers kay Jewel na binalik naman ang pag kakaayos sa study table niya. Nang matapos na siya magsalansan ng mga ginamit nila ay nag tanong na siya kay Marco.
" Are you going home or makikitulog ka dito sa ba.. hay..? Pero mukhang nauna na itong matulog dahil paglingon ni Jewel ay nakapikit na ito habang naka higa sa carpet sa paanan ng kanyang higaan. Kumuha siya ng extra comforter upang ilagay ito natutulog na si Marco at maging siya ay na higa na rin sa kanyang kama. Good night Marco mahal ko...
Alas 6 ng umaga.. Titig na titig si Marco sa tulog na tulog na si Jewel.. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang magtiis, magpigil.. basta ang alam niya matindi ang respeto niya para sa babaeng nasa kanyang harapan. Napaka ganda nito, mamula mula ang kanyang pisngi, bilugan at may malalantik na pilik-mata, may katangusan ang maliit nitong ilong na bagay sa mala strawberry shape na mukha at ang kissable lips nito na sa tuwing tititigan ni Marco ay para siyang matutuyuan ng laway. Bata pa lang ay espesyal na ang pagtingin niya kay Jewel at pinangako niya sa sarili na iingatan at poprotektahan ito. Upang magawa yun ay kailangan niyang maging sobrang malapit dito pati na rin sa pamilya nito kailangan niyang makuha ang buong tiwala ng mga Santiago. Kaya naman sa kabila ng nakakaakit nitong pangangatawan at magandang mukha ay pilit niyang ipinapakita at pinararamdam na isa siyang tunay na kaibigan at kapamilya. Hindi niya hahayaang may umaligid dito na ibang lalaki na pagsasamantalahan at sasaktan lang si Jewel. Over his dead body!
Pagbaba ni Marco ay naabutan niya ang tita momsy niya na nagluluto ng breakfast.
"Marco anak gising ka na pala. Halika at mag almusal ka na, wag mo na hintayin magising si Jewel at panigurado ay tanghali na yun babangon. Palagi ka na lang nagtitiis ng gutom sa kaibigan mong yan. Halika na at sabayan mo na si Jana.
"Hehe.. Tawa ni Marco sabay kamot sa ulo. Sige po momsy mukhang mabango at napakasarap ng almusal eh. Mas lalo po akong ginutom.
"Hmmm ang sarap niyo po talaga magluto momsy!.. May pa pikit pikit pang nalalaman itong si Marco..
"May review pa ba kayo ngayon Marco? Bukas na ang start ng finals week niyo.
"Basa basa na lang po siguro, ilang days na din po namin na review yung mga lessons momsy.
"Sabagay anak tiwala naman ako sa style ng pag rereview niyo, diyan kayo magaling sa tandem niyo na yan kaya ang gaganda ng mga grado niyo sa eskwela. Sana ay hanggang makatapos kayo ay magtulungan kayo ni Jewel ha Marco?
Napangiti naman ang binata sa tiwala ng magulang ni Jewel sa kanya kaya grabe din talaga ang ipinapakita niyang respeto sa mga ito lalo na sa babaeng pinakamamahal niya.
"Kuya Marco, turan ni Jana na nasa harapan niyang kumakain.. Yung surprise natin kay ate ok na. Nakangiti at excited na sabi ni Jana.
"Ok Ja! Maaasahan talaga kita! sabay gulo sa buhok nito. Thank you ah! Di ko kasi matutukan, alam mo naman yang ate mo konting kibot Marco. Kaya maghihinala yun pag di ako agad available.
"Naku Marco anak ayan ka na naman sa regalo mo kay Jewel na iispoiled na yan dahil effort kayo kung mag surprise. Baka mahirapan na ang mga manliligaw niyan sa taas ng standards niya.
"Hindi naman po momsy simple lang naman po regalo namin ni Jana sa kanya for being the best sister. Nakangiting sabi ng binata.