Chapter 3

1110 Words
Tapos ng ayusin ni Jewel ang mga reviewer nila ni Marco, nakapag linis na din siya sa kwarto niya. Tinignan niya ang sarili sa full length mirror sa loob ng kanyang CR kakatapos niya lang maligo at naka suot na siya ng favorite niyang terno black bra na may lace at panty at ang tuwalya niya ay naka balunbon na sa ulo niya. Napangiti siya sa kanyang sarili, dalagang dalaga na talaga siya. Sa height niyang 5'8 na namana niya ang tangkad sa kanyang daddy. Bagay na bagay sa kanya ang bilugan at size 34 cup C na dibdib, ang bewang niyang size 25 at balakang na size 37 dahil dumagdag dito ang maumbok niyang puwet. Salamat din at nagmana silang magkapatid sa kakinisan at kaputian ng mommy nila, nang ma satisfy sa nakitang pigura niya sa salamin ay lumabas na siya ng CR. Naglakad siya papunta sa aparador upang kunin ang susuotin niyang damit. Matagal talaga siya mamili ng damit, ewan niya pero yun ang nagpapatagal sa kanya gusto niya kasi ay yung komportable siya. Naka ilang pili na siya ng blouse at short ng biglang... "Akala ko ba alas 2 magsisimula na tayo? Kahit talaga pambahay ang tagal mong pumili ng susuotin. Sambit ni Marco habang nakatihaya sa higaan at nakaunan sa kanyang braso. Napatalon at sigaw si Jewel sa boses na narinig niya. "Ay! alas 2! Hindi maapuhap ni Jewel kung anong damit ang itatakip niya sa katawan. Ano ba Marco! Hindi ka ba marunong kumatok?! "Uy kumatok ako sister. Kaso di ka sumasagot kaya binuksan ko na yung pinto dahil ayaw ko ma-late sa usapan natin at baka sabunin mo na naman ako. Akala ko Nag CR ka lang, ikaw pala ang late sa usapan. Hindi naman magkandaugaga si Jewel kung paano isusuot ang damit dahil nakaharap si Marco habang nagsasalita. Malaya kasing nakakalabas pasok ang binata sa kanyang kwarto. "Pwede ba tumalikod ka muna para makapag bihis ako ng maayos? Napangisi naman si Marco at tumalikod na rin. Nagmamadaling sinuot niya ang nakuhang damit hindi na niya nagawang tignan kung ano ito basta kung ano ang huling nahawakan niya ay yun na ang sinuot niya. "Tapos ka na ba sister? "Uh.. O..Oo.. Ta.. pos na.. kanda utal utal na sagot ni Jewel. Mabilis na bumangon si Marco para makapag umpisa na sila sa review. Umupo na si Jewel sa sahig ganun din si Marco para umpisahan na ang mga pag-aaralan nila. Nag hatid pa ng merienda ang mommy ni Jewel sa kwarto nito. "Thank you momsy Jane you're really the best momsy for me! Lambing ni Marco sa mommy ni Jewel. Kaya paborito ito ng mommy niya ay dahil wala itong anak na lalaki at talaga namang malambing ito sa pamilya ng dalaga. "Naku kang bata ka napaka bolero mo talaga, ayusin niyo ang pag rereview ah? "Yes momsy! Ipapasa po namin lahat this finals! Promise! At tumayo pa ito para yumakap sa mommy ni Jewel. "O siya sige di ko na kayo iistorbohin mukhang marami rami yang rereviewhin niyo. At lumabas na itong may matamis na ngiti sa labi. Nakatapos na sila ng 2 subject, ubos na rin ang pagkain nila. Next na nilang irereview ang Engineering Mathematics 3 at Engineering Geology "Kuha lang ako ng drinks natin Marco ah? Gusto mo pa ba ng sandwhich or chips? "Chips na lang sister, thank you! Sabay kindat. Tumayo na si Jewel dala ang tray na wala ng laman. Pag dating sa kusina naabutan niya si Jana na kakatapos lang mag saing 6:00 pm na pala ang mommy niya naman ay pauwi pa lang galing grocery dahil may nakalimutang rekado sa ilulutong hapunan. "Ate Je? For real di ka naiilang sa suot mo? Nagtaka naman si Jewel sa turan ng kapatid. Ano bang mali sa suot niya? Pumunta siya sa living room dahil ang isang side ng wall nila ay puro salamin. Nanlaki ang mata niya sa nakita, white spaghetti strap na pagkanipis nipis at kita na ang kalahati ng dibdib niya at dolphin shorts na kulay puti din kaya bakat ang itim niyang panty. Kung hindi sila magkaibigan ni Marco ay pwedeng isipin nito na inaakit niya ang lalaki. Pero alam naman niya na wala itong malisya para sa binata, kapatid ang turing nito sa kanya. Siya lang naman ang may lihim dahil may na buo na siyang pagmamahal para dito. "Hi..hindi.. ko na pansin na ito pala yung na suot ko sa pagmamadali ko magbihis dahil dumating na si Marco at ang usapan namin ay 2pm, kibit balikat niya sa kapatid. Saka alam mo namang wala sa kuya Marco mo yun, kilala mo naman ang type nun diba? Sabay ngiti ni Jewel kay Jana at derederetso na siyang bumalik sa kwarto dala ang drinks at chips ni Marco. Pag pasok ni Jewel ay pinakiramdaman niya ang reaksyon ni Marco sa suot niya pero wala naman siyang nakuha dito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil hindi manyak si Marco o malulungkot dahil kahit ganito na siya ka sexy ay wala pa rin siyang dating para sa binata. "Araaaaaaaay!.. Sabay inat ng kamay at pinatunog ang leeg.. Grabe sister 8:30 na pala hindi na tayo naka sabay kila momsy mag dinner sa sobrang tutok natin. Tumingala naman si Jewel sa wall clock niya. Hala! oo nga 8:30 na di pa sila nag hahapunan! "Sige na Marco kumain ka na sa baba hindi ka pwede magutom. Hindi na ako kakain busog pa naman ako eh. Biglang hinilig ni Marco ang ulo niya sa higaan ni Jewel at malambing na sinabing.. "Gusto ko kasama kita eh.. Samahan mo naman akong kumain please sabay silip ng mukha nito sa nakayuko pa rin na mukha ni Jewel sa binabasa nito. Napaangat naman ng ulo ang dalaga at nag tama ang mata nila. Ang gwapo gwapo talaga ni Marco lalaking lalaki ang features niya pero pag nag lalambing at nagpapa awa effect ito ay napaka amo naman tignan. Unang nag iwas ng tingin si Jewel dahil baka mahalata nito ang nararamdaman niya at ang pamumula ng pisngi niya. "O sige sige na sasamahan na kita. Agad namang tumayo si Marco at nilahad ang kamay nito para alalayan siyang tumayo. Inabot naman niya ang kamay niya dito at mabilis siya nitong hinila patayo. Sa tindi ng pwersa ng pag hila kay Jewel ay napadikit ang dibdib niya sa katawan ni Marco nailang naman siya kaya mabilis siyang lumayo. "Let's go Jewel baba na tayo! I'm so hungry na. "Haaaay.. Ako lang talaga ang nakakaramdam ng ganitong epekto sa tuwing magkakadikit kami ni Marco. Kaibigan lang talaga ako... bulong ni Jewel sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD