Chapter 2

1079 Words
"Kriiing.. Kriiing.. Kriiing.." Pikit pa ang mata ni Jewel habang kinakapa ang cp sa bed side table niya. "Hellooo? Sissssssy! Sigaw ni Trish sa kabilang linya. "Oh bakit ka napatawag? ang aga aga pa sabay tingin sa wall clock sa pader ng kwarto niya. Alas sais pa lang ng umaga Trish anong problema? Sissy di ako masyado makatulog, kagabi ko pa iniisip kung anong gagawin natin sa 21st birthday mo! Sa susunod na linggo na yun! "Ano ka ba ke aga aga yan lang itatawag mo sa akin? I'll call you later patulugin mo muna ako dahil ang dami kong tinapos na school requirements. Malapit na din ang finals natin. Bye Trish! Sissy wait! Pero di na niya hinayaan pang makapagsalita ulit ang kaibigan at tuluyan ng binaba ang cp. Next week na nga pala ang 21st birthday niya, pero sabay din ito sa last day ng exams nila. At mas mahalaga yun dahil ayaw niyang mawala sa dean's list. Pinangako niya sa mommy at daddy niya na gagraduate siya with flying colors para sa sakripisyo ng huli na mabigyan sila ng maayos na buhay at mapag-aral sa magandang eskwelahan. "Mommy?.. Mommy?.. Tawag ni Jewel habang pababa ng hagdan. Hindi na siya nakatulog ulit after ng pag tawag ni Trish sa kanya kaya naisipan na lang niyang mag almusal at mag review pagkatapos. "Ate! Tawag ng nakababata niyang kapatid na si Jana. Nakaupo ito sa couch katabi ang kaibigang si Marco habang nakatingin sa ipad. Si Marco?! Ke aga aga nandito na?! "Good morning sister! Masayang pagbati ng binata nang may malapad na ngiti kaya naman labas ang pantay at mapuputing ngipin nito. Aga ng gising natin ah! Di ka ba na puyat? Siguradong late ka na nakatulog dahil sa kasipagan mo. "Hindi niya pinansin ang tanong ni Marco, bagkus binalikan niya ng tanong ang binata. Ikaw anong ginagawa mo dito? ang aga aga pa nangangapitbahay ka na agad. Napakamot naman sa ulo si Marco, sabay iling at binulungan si Jana mukhang bad mood ang ate mo ah may dalaw ata at sabay silang nag hagikgikan. "Anong pinagtatawanan niyong dalawa? WALA! sabay nilang turan. Inismiran lang ni Jewel si Marco at tinanong si Jana kung nasaan ang mommy nila. Jana saan si mommy? Maaga nag church ate kasi may lalakarin pa daw siya after. May niluto siyang breakfast kumain ka na lang diyan tapos na ako. "Ah ok! Akmang uupo na siya sa lamesa ng biglang tumayo si Marco at.. "sakto di pa ako nag aalmusal ang daming niluto ni momsy Jane alam talaga niyang malakas akong kumain! Hinihintay talaga kita para may kasabay ako. Akala ko mga alas 10 ka pa babangon matagal tagal na naman maghihintay ang kawawa kong tiyan. Sabay nguso at paawa ang mukhang nakatingin kay Jewel. Madalas talaga si Marco kumain at mag siesta sa bahay nila. At natutuwa siya dito dahil talagang hinihintay siya nito sa tuwing dito ito makikikain kahit pa tanghaliin siya ng gising. Sanay na din ito sa mga mood swings niya. "Mag rereview tayo ngayon ah? Habang nakatingin kay Marco na busy na sa pagkain. Ang gwapo talaga ng kaibigan niya, simula pagkabata ito na ang kasangga niya sa lahat pinagtatanggol siya pag may umaaway sa kanya, tinatayo siya pag nadadapa siya sa larong takbuhan, hinihintay siya sa school para sabay silang umuwi, binibigyan siya ng regalo kada birthday niya at na realize niya na iba na pala ang pagtingin niya dito simula ng mag college sila. Dun niya napatunayan na mas matinding pagmamahal na pala ang meron siya para kay Marco. "Hoy! Jewel! Sabay pitik ng daliri ni Marco sa mukha ni Jewel. At nagising na siya sa pag babaliktanaw sa kabataan nila ni Marco. "Ha? Bakit Marco? Sabi ko pwede mamayang mga 2pm na tayo mag review? Tulala ka na naman eh. Ano ba iniisip mo? "Ha?! Ah eh wala! Medyo antok lang.. "May tatapusin lang ako sa bahay tapos babalik ako dito ng 2pm sharp! "Okay sige, basta 2pm dapat nandito ka na ah?! "Yes sister! Sabay nguso na pa kiss at kindat. "Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ni Jewel sa ginawa ni Marco kaya napayuko na lang siya at nag subo na ulit ng pagkain. Simula kasi ng mapagtanto niyang umiibig na siya sa kaibigan ay bawat pag lalambing at gawi nito ay hindi na siya mapakali, naiilang na siya dahil nabibigyan na niya ito ng ibang kahulugan. Ngunit para kay Marco ay wala lang ito.. "Pagkatapos nilang kumain ni Marco ay nagligpit na si Jewel, siya ang naghuhugas ng plato pag wala ang mommy niya. Wala silang kasambahay dahil kaya naman ng mommy niya ang mga gawaing bahay at tumutulong naman sila ni Jana sa mommy nila. Simula kasi ng magpakasal ang mommy at daddy niya ang daddy na lang niya ang nag trabaho sa Amerika bilang doctor at nag resign na ang mommy niya sa pagiging nurse para matutukan silang magkapatid. Lumapit naman si Marco sa likuran ni Jewel habang nag huhugas na ito ng pinggan. "Ang sipag talaga ng sister ko, napaka swerte talaga ng lalaking mamahalin mo. Bulong nito sa tenga niya habang nilalagay sa lababo ang basong pinag inuman nito ng tubig. Napakalapit ng mukha nito sa tenga niya at ramdam na ramdam niya ang mainit na katawan nito sa likuran niya. kinikilabutan na si Jewel sa init ng nararamdaman niya sa sitwasyon nila ni Marco at nakita ito ng binata dahil sleeveless ang bistida na pantulog niya. "Hay naku Marco kung ano ano na naman yang pang-aasar na ginagawa mo! Sigaw niya upang pagtakpan ang kilabot na naramdaman. Napa atras naman si Marco dahil akmang humarap si Jewel sa kanya at tinitigan siya ng masama. Puro ka talaga kalokohan sabay wisik ng tubig na may sabon sa kamay niya. Mabilis namang Napatakbo pa atras ang binata at sumigaw ng "Bye Jana! bye sister! Promise 2pm I will be back for you! Sabay ngusong pa kiss at kindat. At tuloy tuloy ng lumabas ng gate nila. "He will be back for me? Haaaay kung ibang relasyon lang ang meron sila grabe na siguro ang kilig niya. Pero alam ni Jewel na ganun lang talaga si Marco sa kanya at kaibigan lang talaga ang turing nito sa dalaga. "Pagkatapos maghugas ay umakyat na si Jewel sa kwarto niya upang ayusin ang mga rereviewhin nila ni Marco mamaya at pagkatapos ay maliligo na siya. Iniwan niya si Jana habang ito naman ay naglilinis na sa living room nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD