Harry's point of view Magaling ang pagkagawa ng aking clone, kamukhang-kamukha ko talaga at pati ang ugali ko ay kuha niya rin. Natawa ko ng sinimangutan niya ang pamangkin kong si Heart. Itong pamangkin ko naman ay agad na ibinigay ang laruan na inagaw niya. Lumipas ng ilang buwan ay okay na ang aking pakiramdam at tumubo na rin ang aking buhok pero hindi ko parin pinatanggal ang aking balbas dahil parang naka sanayan ko na rin. Balak ko nang umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy na hanapin si Angela. Pinuntahan ko si Lolo sa kanyang kwarto na nagpapahinga. May mga kawal na naka bantay pero nang makita ako ay agad silang yumuko at pinagbuksan ako ng pintuan. "Lolo." Sambit ko sabay yumuko. Umupo ako sa kanyang harapan habang may binabasa siya. "May sasabihin ka ba apo?" Tanong niya

