Chapter 1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Harry Jr. (POV)
Intramural sa school namin at napakaraming studyante sa iba't-ibang paaralan. Ang school namin ang host ngayong taon kaya busy din si Mommy. Siya ay elementary teacher noon pero dahil sa pag babago ng curriculum ay nag-aral siya ulit para maka pagturo sa higher grade. My Mom is teaching Grade 8 and I am in grade 11 sa isang public school.
Apat kaming mag-kakapatid at ako lang ang nag-iisang lalaki. Napalalim ang aking paghinga kung bakit ako nag-aaral sa public school na pinagtuturuan ni Mommy. It's part of the training to be a King soon. My Grandfather is the richest King of all the kings. My mother is a princess while My Dad is a silent billionaire.
Mag-isa lang akong naka-upo sa silong ng mangga habang nanunuod ng volleyball.
"Anak ayaw mo ba talagang sumali sa search for Mr. Intramural 2025?" Tanong ni Mommy mula sa aking likuran na hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.
"No Mom." Maiksing sagot ko.
"Anak, magaling ka naman sa basketball, table tennis, arts at iba bakit wala ka man lang sinalihan?"
"I am okay Mom." Sagot ko na lang at hinalikan ako sa pisngi ni Mommy bago siya umalis.
Alam kong maraming nakatingin na studyante, very sweet kasi si Mommy sa akin kahit noong bata ako ay lagi niya akong hinahalikan at niyayakap. Pero ngayon at nagbibinata na ako dapat bawas bawasan niya ang pagtrato sa akin na parang baby.
Maraming nag kakagusto sa akin at marami din akong natatanggap na love letters at si Mommy ang taga basa. I have a few friends pero busy sila sa kanilang practice. Mamayang lunch pa kami mag meet. I have my lunch that my Mom always prepared. Like rice, eggs, tinapa, and other foods that simple people can afford.
Sa ilang taon na pagbabaon ko ay nasanay na ako. People only know that my Mom is only a simple public teacher. Dad helps to hide her identity as the wife of a billionaire and a princess.
Napatingin ako sa aking orasan, nakaramdam na ako ng gutom. Saktong pagtayo ko ay parating na ang mga kaibigan ko na pawisan.
"Harry, lika na kain na tayo." Aya sa akin ni Joe.
"Okay." Sagot ko at sumunod na ako sa kanila.
Sa likuran ng aming paaralan ay may maliit na kubo at doon kami laging tumatambay. Pagdating namin sa kubo ay nag sihubaran sila dahil sa sobrang init. Kahit ako ay napa hubad na din at isinampay ang uniform ko sa aking balikat.
"Mamaya nood tayo ng Mr and Miss Intramural." Masayang sabi ni Joe na inilabas na ang kanyang baon. Napatingin ako sa baon niya isang red egg at dalawang kamatis.
"Excited ka lang makakita ng hita." Natatawang sabat ni Benjamin
Nagtawanan kami at inilabas ko na rin ang aking baon na hotdog at isang delata na tuna. May pambukas kami ng delata na iniiwan namin dito sa kubo.
Inilagay namin ang lahat ng ulam namin sa gitna at si Kiko lang ang walang ulam.
"Pasensiya na wala akong maishare." Nahihiyang sabi ni Kiko
"Okay lang nasanay na kami." Sabat ni Joe kaya nagtawanan ulit kami.
Pinagsaluhan namin ang aming mga ulam at pagkatapos ay humiga ang mga kaibigan ko dahil napagod sila sa practice nila. Nang sila ay tulog na ay mabilis kong nilagyan ng limang libo ang bag ni Kiko. Sa aming mag kakaibigan ay siya ang nahihirapan dahil ulila na siya at may kapatid pa siya na nag-aaral din. Ang kwento niya sa amin ay pagkatapos ng klase namin ay dumederetso siya sa pamilihan. Para maging kargador at paggising niya sa umaga ay nag kakargador na muna siya bago pumasok.
Nang mailagay ko na ang limang libo ay humiga na rin ako sa tabi niya. Masarap ang simoy ng hangin sa kubo at malamig sa likuran ang papag. Ilang saglit at nakatulog na rin ako.
Nagising akong nagkakagulo ang aking mga kaibigan kaya bumangon na rin ako.
"Bakit kayo nagkakagulo?"
"Nag umpisa na ang miss intramural, bumangon ka na." Sabi ni Joe.
Napahinga nalang ako ng malalim dahil hindi naman ako interesado na manuod. Ayoko namang maiwan na mag-isa dito sa kubo.
Bumangon na ako at isinuot ang aking uniporme. "Bilisan mo Harry!" Sigaw Benjamin na halatang gustong makakita ng legs.
Sawa na ako sa mga mapuputing legs, sa bahay palang ni Ninong Natan ay kalat na ang mga hita.
Sinundan ko na sila at pagdating namin ay talent portion na. Napatingin ako sa mga judges at isa si Mommy.
"Harry dito!" Sigaw ni Kiko at sa harapan pa talaga ang pwesto namin.
Umupo na ako sa tabi ni Joe at nakangiti lang ang mga kaibigan na nanunuod ng sumasayaw na kandidata ng ibang school.
Sumunod ay ang ka klase namin na sumayaw din. Malakas ang palakpakan dahil ka klase namin siya. Ilang saglit ay tapos na din siya at taga ibang school naman.
Inilabas ko ang aking celphone dahil hindi naman interesado. Habang binabasa ko ang mensahe ni Ate Lovely ay natigilan ako.
Maganda ang boses ng kumakanta kaya napaangat ang aking ulo. Saktong napatingin siya sa akin din at nagkatitigan kami. Natulala nalang ako dahil titig na titig din siya sa akin hanggang matapos ang kanta niya.
"Harry kursunada ka ata nun."Bulong ni Kiko at doon ako na tauhan. Marami akong kakilala na may magandang mukha pero sa kanya ako natulala.
"Ano ulit any pangalan niya?" Tanong ko kay Kiko.
"Angela, pero nakalimutan ko ang apilyedo."
Tumayo ako at pinuntahan si Mommy, paglapit ko ay binulungan ko siya. " Mommy, taasan mo ang grado ng kumanta kanina."
"Huh!oo anak. Magaling naman talaga siya at nahalata kong katingin lang saiyo." Bulong niya na parang kinikilig.
Napailing nalang akong bumalik sa upuan ko at medyo napangiti sa sinabi ni Mommy. Ilang saglit lang ng paghihintay ay lumabas na ulit sila at ang iigsi ng short. Ayokong panoorin na pinagpyepyestahan ang kanyang hita kaya umalis na muna ako. Lumayo ako ng bahagya sa maraming tao na naghihiyawan tas nang tumigil na sila ay bumalik na ako sa aking pwesto.
"Harry, saan ka nag punta? sayang hindi mo nakita ang puputing legs." Sabi ni Kiko, hindi nalang ako umimik. Sumunod na agad ang question and answer portion at naka gown na sila. Hindi bagay ang gown na suot niya dahil sobrang makulay. Mas maganda sana kung light lang at hindi maraming raffles.
Napatingin ako kay Mommy na parang pareho kami ng iniisip, pero kahit paano ay magaling siyang magdala. Nagsimula na ang tanungan at napailing ako dahil pinipilit nilang mag english kahit nahihirapan naman sila. Hanggang sa Angela na ang tinanong at tinandaan kong mabuti kung saan school siya nag-aaral.
Host: Your question is, How do you define success?
Angela: Para sa akin po, I define success kung nakamit ko na ang aking pangarap sa buhay at nakapagbigay ng inspirasyon sa ibang tao.
"Follow-up question." Biglang sabat ni Mommy. " Ano ang pangarap mo?"
Angela: Sa ngayon po ang pangarap ko ay i crush back ako ng crush ko.
Sagot niya na nakatingin sa akin at lahat ng mga studyante ay naghiyawan kasama si Mommy. Hiyang-hiya akong napayuko at nang pinagtutulak ako ng aking mga kaibigan ay tumayo na ako at umalis. Hindi ko na siya nilingon pa.
Lumabas na ako sa school at nilapitan ko ang sasakyan nina Tito Tali at Lolo Tort. Kinatok ko ang kanilang pintuan at binuksan nila ito. Ngimi silang napangiti, akala siguro ay hindi ko alam na siya ang may-ari ng sasakayan na sumusubaybay sa akin. Alam kong pinadala sila ni Lolo para bantayan ako pero hindi na kailangan pa dahil kaya ko naman ang aking sarili.
"Harry my Lord" Sambit ni Tito Tali.
"Tito, pakitulungan ninyo akong malaman kung sino si Angela Gutierrez?"
"Masusunod my Lord." Sagot ni Tito.
Pagkatapos ko silang mkausap ay pumara na ako ng tricycle para umuwi sa amin dahil kung babalik ako sa loob ay tutuksuhin lang ako ng aking mga kaibigan.