Angela's point of view
Ayoko sanang sumali miss intramural pero kailangan ko ng extracurricular, maapektuhan ang grado kung wala man lang akong masalihan kahit isa. Pati si Tita ay pinili din ako, maganda raw par ma expose ako at huwag maging mahiyaan.
Si Tita ang nagpalaki sa akin mula ng nagka-isip ako. Iniwan daw ako ng aking ina sa kanya at hindi na niya ako binalikan. Mabuti at mabait siya sa akin kahit hindi niya ako kadugo. May deprensiya siya matress kaya hindi na nagka-anak pa.Ang asawa lang niya minsan ang napapansin ko na kakaiba ang titig sa akin lalo na kung bagong ligo ako.
Kaya kapag gabi ay sinisigurado kong naka double locked ang pintuan ng kwarto ko. Maliit lang ang bahay namin pero kahit paano ay hindi kami nag hihirap dahil malakas ang resturant ni Tita sa palengke. Kung alam kong kami lang dalawa ang maiiwan ay agad akong pumupunta sa palengke para tumulong na mag serve ng mga pagkain.
Minsan ay pinapagalitan pa ako ni Tita kung nakikita niyang naghuhugas ng mga pinggan, ayaw niyang masira ang aking mga kamay. May taga laba din ng mga damit namin at may tagalinis kami sa bahay. Nasa skwater man ang bahay namin pero masasabi kong marangya ang aming pamumuhay.
"Angela, galingan mo sa Q and A. Ikaw naman ang pinakamaganda kaya sigurado na panalo kana." Sabi ng adviser namin.
Ito ang kauna-unahang kog sumali sa beauty contest kaya kabado ako bente. Paglabas ko ay parang matutunaw na ako sa hiya lalo na at ang igsi ng aming short. Konti nalang ay kita na ang ang aking kuyukot. Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa harapan at maraming naka-upo na studynte sa sahig.
Umagaw ng pansin sa akin ang isang studyante na sobrang gwapo, naka tingin din siya sa akin pero pag ikot ko ay wala na siya sa kanyang kinauupuan.
Parang gusto ko tuloy sumimangot habang umaawra ako. Hanggang sa long gown na kami at napangiti na ulit ako ng makita siya. Pakiramdam ko ay nakatingin din siya sa akin kaya todo ang ngiti ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga, lalo nang mas nalapitan ko siya. Kung pwede lang tumabi nalang sa kanya para manuod na lang din ako ay ginawa ko na.
Nawala tuloy lahat ng aking kaba lalo na at ramdam ko na ako lang ang tinitignan niya. Alam ko naman na maganda ang aking sagot sa q and a dahil naghiyawan ang mga nanunuod. Natawa na tuloy ako ng itinulak siya ng kanyang mga kaibigan, ang kasiyahan ko ay nawala lahat ng umalis na siya .
Kahit na ako ang nanalo na miss intramural ay malungkot parin ako dahil wala na si mr. pogi na nanunuod. Nagtanong ako sa mga ka klase ko pero hindi naman daw nila kilala. Tatanungin ko sana ang mga studyanteng tumulak sa kanya kanina pero tinawag na ako ng aming guro na sumakay na sa Jeep na inarkila ng paaralan namin.
Inihatid na nila ako sa bahay at tuwang-tuwa nga tita ko nang nalaman niyang ako ang nanalo. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang siya ang nanalo. Ang asawa naman niya ay nakatingin sa akin na pangiti-ngiti. Limang taon na silang nagsasama ni Tita. Sana ay hindi nalang siya nag-asawa dahil noon ay malaya ako dito sa bahay.
"Sige po Tita, magpapahinga na po ako." Paalam ko na hindi pinansin ang kanyang asawa. Pagpasok ko sa aking kwarto at agad kong tinignan kung may pumasok na iba. Pinag ipunan ko talaga ang hidden camera na binili ko.
Tinignan ko na muna ito at pinanuod ko mula umalis hanggang sa ngayon na dumating ako. Alam ko na kung may gagawin sa akin si Tito ay hindi maniniwala si Tita kaya ko naisipan na bumili ng hidden camera. Atleast kung may gagawin siyang hindi maganda ay may ebidensiya ako.
Kumuha na ako ng damit at pumunta na ako sa aking banyo mabuti na lang talaga at may maliit na banyo na din ang kwarto kaya hindi na kailangan na lumabas pa ako.
Kahit mainit ay lagi nang naka jogging pants ako, noon pang dumating si Tito ay halata na iba ang tingin niya sa akin. Dose ako noon at malaking bulas, maraming gustong manligaw sa akin dito sa amin pero takot sila kay Tita at lalo na nang nag-asawa ito dahil malaki ang katawan ni Tito.
Lumabas na ako sa aking kwarto at handa na sa mesa ang aming hapunan. Ganito ako ka spoiled kay Tita kaya mahal na mahal ko siya.
"Halika na Angela at I kwento mo sa akin ang nangyari." Sabi ni Tita.
"Sinabi ko naman sa kanya lahat at nakangiti lang siya. Pagkatapos naming kumain ay pinag gloves ako ni Tita na hugasan ang mga plato. Sila namang mag-asawa ay nanunuod ng TV. Nang tapos na ako sa kusina ay nagpa-alam na akong matulog.
Nagsipilyo lang ako at paghiga ko ay naaalala ko ang gwapong studyante sa pinuntahan namin na school. Sana pala noon pa ako nakisali sa mga activities dahil ang school nila ang laging host.
Niyakap ko aking malaking unan at nakangiting iniisip siyang naka titig din sa akin hanggang sa ako ay nakatulog na.
Nagising ako ng parang naririnig ko na may pumipihit sa sendura ng aking pintuan. Mabilis akong bumangon at agad na binuksan ang aking ilaw.
Pagkabukas ko ng ilaw ay parang wala tumigil na ang taong nagpupumilit na buksan ang pintuan ko. Nakaramdam ako ng takot kaya hinila ko ang aking maliit. kabinet at iniharang sa pinto.
Bumalik din ako sa aking higaan at hindi ko na pinatay pa ang ilaw. Hindi ko na alam pa kung anong oras na akong nakatulog. Sabado naman ngayon kaya tinatamad akong bumangon.
Isa pa sigurado akong nasa palengke na si Tita. Habang yakap ko ang aking malaking unan ay naka titig ako sa may pintuan na may harang parin na kabinet. Dapat ay may kutsilyo din ako sa aking kama.
Bumangon na ako at binuksan ko na agad ang aking bintana. Natulala ako dahil ang gwapong studyante sa paaralan kahapon ay nasa bintana din ng kabilang bahay at nakatingin siya sa akin.
Kinusot ko pa ang aking mga mata at pagtingin ko ulit ay nandun parin siya na naka tayo sa may bintana at naka tingin parin sa akin.
"Hi!" Malakas na bati ko nakinawayan pa siya Pero tinignan niya lang ako at umalis na sa may bintana. Masaya akong naligo ulit at pagkatapos ay lumabas na ako sa aking kwarto.
Pagbukas ko sa kwarto ko ay nasa sala si Tito.
"Gising ka na pala, kumain ka na." Sabi niya pero wala akong tiwala sa pagkain na ibibigay niya lalo na kung dalawa lang kami sa bahay. Marami na akong napapanuod at na babalitaan na nagahasa dahil sa droga.
"Sa palengke nalang ako kakain Tito." Sagot ko at mabilis na lumas sa bahay kahit na rinig kong may sasabihin pa sana siya.
Agad akong pumunta sa kabilang bahay sa sobrang excited ko ay kumatok ako agad sa pintuan. Ilang saglit lang ay nagbukas ito at siya ang nag bukas.
"HI, ako si Angela. Ikaw?" Agad na tanong ko na inilahad ko ang aking kamay pero tinignan niya lang ako.
"Harry." Maikling sagot niya.
"Bago ka lang dito ano?"
"Oo." Sagot niya na parang ayaw niya akong kausapin.
"Sige, aalis ako. Bye! Paalam ako at mabilis na humalik sa pisngi niya sabay sibat na ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa sobrang kasiyahan ko ay napatalon pa ako at napapalakpak.
Halos tumakbo na ako hanggang sa makarating ako sa palengke. Kilala na ako dito dahil bata palang ako ay pagala-gala na ako.
"Mukhang masaya tayo ngayon Angela ah." Bati sa akin ng ni Ate na nagtitinda ng mga karne.
"Oo Ate, ang gwapo ng crush ko."Bulaslas ko at natawa siya.
"Ipakilala mo sa amin para matignan kung bagay kayo." Sagot ni Ate at natawa kaming pareho.