Harry's pov
Pagdating ko sa bahay ay binasa ko ang info na ipinadala ni Lolo Tort sa email ko. Napahinga ako ng malalim at agad na nag empake ng aking mga gamit. Isang maleta lang na puno ng mga luma kong damit ang laman, mabuti at hindi pa ipinatapon ni Mommy. Ginagamit ko kasi ang mga ito sa school at ang iba ay butas-butas na talaga ka-uulit ko na isinusuot.
Pagka empake ko ay agad na tinawagan ko si Daddy.
Daddy: Yes Son
Me: Daddy, may pupuntahan lang ako.
Daddy: Saan at sasamahan kita.
Me: No Dad, ako lang at doon na muna ako titira.
Daddy: What do you mean?
Me: I like someone Dad.
Daddy: Eh di iuwi mo na sa bahay ako ang bahala.
Napailing nalang ang sa sinabi ni Daddy.
Me: How about Lolo?
Daddy: Alam na ba ng Mommy mo?
Me: Kakausapin ko siya mamaya Dad.
Daddy: Saan ba ang bahay ng gusto mong babae? Anak mag 18 ka palang. Hay, bakit lahat nalang kayong mga anak ko gustong bantayan ang mga taong gusto ninyo. Ang Ate Lovely mo, ikaw, si Emerald at sigurado ako baka pati si Emery.
Me: Binantayan mo din naman daw si Mommy, kaya mana lang kami saiyo.
Daddy: Shut up!
Sabi niya at napangiti nalang ako. Sinabi ko kung saan nakatira si Angela at kung anong buhay mayroon siya. Nakikinig lang si Daddy at ilag saglit ay narinig ko ang malalim niyang paghinga.
Daddy: Kung papayag ang Mommy mo ay wala na akong magagawa, alam mo naman na ang Mommy mo ang boss sa bahay. Basta mag-ingat ka doon, magpapadala ako ng mga tauhan ko sa pupuntahan mo. Okay lang sa akin ang plano mo but I don't want you to get hurt. Huwag kang mag-aalala hindi ka nila pakikialaman. Gusto ko lang maka siguro na safe ka doon lalo na at lugar ng mga sanggano ang titirhan mo.
Me: Okay Dad
Daddy: Good luck son, bibisitahin ka namin doon.
Me: Okay Dad, thanks.
Daddy: I love you son.
Me: Okay Dad
Sagot ko na napailing, masungit man si Daddy at may pagkaseryoso sa buhay gaya ni Ninong Natan pero sweet siya sa amin lalo na kay Mommy at mga kapatid kong babae. Lagi kaming nagbabangayan when I was in grade school pero habang nadadagdagan ang edad ko ay nag matured na rin ako.
Sanay ako sa marangyang buhay, ang dami kong reklamo noong nag-aaaral ako sa public school. Nag request pa ako noon na ipa aricon ang aming room dahil ang fan ay hindi ako naabot at sobrang init.
Hinintay ko lang si Mommy at ilang saglit lang ay dinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng aking kwarto.
"Son, ano itong sinabi ng Daddy mo?" Agad na tanong niya.
"Mom, gusto kong tumira doon." Sagot ko naman, tinitigan ako sa aking mga mata ni Mommy at huminga siya ng malalim.
"Ano ba yan lahat na lang ng mga anak ko iiwan na ako." Naiiyak na sambi niya.
"Mom, si Emerald nasa tabi lang at si Emery. Si Ate naman ay nasa Palasyo. Sabihin mo kay Daddy na gumawa pa kayo ng kapatid ko."
"Loko ka, huwag na sige pero lagi kang tatawag. Hindi na kita araw-araw na makita kung pati sa school niya ay susundan mo. Alam na ba ng Lolo mo?"
"I know he knows Mom, Kina Tito Tali at Lolo Tort ko nakuha ang mga info ni Angela."
"Okay, bata pa kayo huwag mag mamadali." Sabay niyakap ako ng mahigpit ng aking Ina. Hindi na ako nakapagpa-alam pa sa kambal na mga kapatid ko dahil nasa school pa sila.
Si Mommy na mismo ang naghatid sa akin at malapit sa babaan kung saan tinulungan ako ni Lolo Tort na kunin ang bahay na malapit kina Angela. Halos ayaw akong bitawan ni Mommy kanina.
Napailing nalang akong naglakad hila ang aking maleta. Maraming nakatingin sa akin at hindi ko sila pinansin. Ilang saglit lang ay nakita ko na ang bahay na titirhan ko. Napatingin na muna ako sa bahay ng tita ni Angela. Bukas ang mga bintana kaya dinig na dinig ko na nanunuod sila ng tv.
Pumasok na rin ako sa titirhan ko at napahinga ako ng malalim dahil kumpleto na ang mga appliances. Sana lang ay wala na munang papasok sa bahay ko dahil magtataka sila kung saan galing ang mga kagamitan sa bahay. Hindi ko na alam kung paano naipasok nina Tito ang mga appliances na hindi nakita ng mga kapitbahay.
Inilabas ko na ang aking mga gamit mula sa aking maleta at habang nag-aayos ako ay may email kay Lolo Tort. Binasa ko agad ito at ayos na lahat ang mga documento ko na lumipat sa school ni Angela. I am happy dahil hindi ako tinutulan ni Lolo, but I am sad dahil hindi dugong bughaw ang gusto kong babae. I can't marry her gaya ni Lola na hindi dugong bughaw. Hanggang ngayon ay hindi pa sila kasal ni Lolo. Okay lang kay Mommy dahil babae naman siya at ako ang nag-iisang apo na lalaki at papalit sa trono ni Lolo.
Pagkatapos kong inayos ang aking mga damit ay nagluto na ako at punong-puno ang laman ng fridge. Inuna ko na ang mga gulay na lutuin dahil masisira lang ang mga ito lalo na at nag-iisa lang ako na kakain.
Maaga akong kumain at nagpahinga. Binuksan ko ang aking bintana at sarado na ang bintana ni Angela. Siguradong pagod siya kanina sa pageant kaya pagka paligo ko ay natulog na rin ako.
Kinabukasan ay hinihintay ko siyang masigising kaya tumambay ako sa bintana. Halos dalawang oras akong nakatayo na naghihintay sa kanyang paggising. Hanggang sa nagbunga ang aking paghihintay. Napangiti akong makita siyang naka pajama at magulo ang buhok.
Lumakas ang t*bok ng aking puso nang napatingin siya sa akin. Hindi na ako naka pagsalita pa at dahil kinabahan ako sa maganda niyang ngiti ay umalis na ako agad sa bintana.
Ngayon ko lang maranasan ang matulala at maging torpe. Kumain na ako ng aking agahan para mamaya ay maghanap na ako ng pwede kong pasukan na trabaho sa palengke. Pagkatapos kong kumain ay may kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo at binuksan ito. Si Angela na kitang-kita ang mga mapuputing ngipin. Nagpakilala siya at nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay tumakbo kaya napa yuko ako at napangiti. She is so cute.
Hindi ko na tinapos pa ang aking agahan, sinundan ko na siya ng palihim at nakita ko kung gaano siya ga giliw sa lahat ng mga nagtitinda sa palengke. Parang lahat ata ay kilala niya. Pumasok siya sa isang maliit na kainan at nakita kong may kinausap siyang babae. Lumapit ako ng bahagya at tinawag niya ito tita.
Safe naman na siya kaya umalis na ako at naghanap ng trabaho. Habang nag lalakad ako ay nakasalubong ko si Kiko.
"Hoy Harry pare bakit ka nandito?" Gulat na tanong niya na may karga siyang mga gulay. Sabado kasi ngayon kaya wala kaming pasok.
"Naghahanap ako ng trabaho dito." agad na sagot ko.
"Huh! Teacher ang Mommy mo, bakit ka magtratrabaho?"
"Gusto kong pag-aralin ang sarili gaya mo."
"Wow, Idol na talaga kita,. Magkasing gwapo na nga tayo ay pareho pa tayong masipag. Halika at ipapakilala kita sa boss ko. Ngayon lang ako nag deliver sa palengke na ito dahil yung naka toka dito na taga buhat ng gulay ay umalis.Pwedeng ikaw ang papalit sa kanya para doon lang ako sa aming palengke at mabantayan ko pa ang aking kapatid na nagtitinda." Sabi niya.
Bago kami pumunta sa kanyang boss ay dinala na muna namin ang isang sakong talong sa pag dedeliveran. Pagkatapos ay pinuntahan na namin ang kanyang boss. Madali lang naman itong kausap at mukhang mabait. Pinagtrabaho na ako agad at napamura na lang ako sa aking isipan dahil ang hirap pala ang trabaho ni Kiko lalo na kung mga prutas na ang aming bubuhatin.
"Mas lalong gaganda ang katawan mo dito Harry, libre ang gym." Natatawang sambit habang ang likod at balikat ko ay sobrang sakit na.