Chapter 4

1442 Words
Angela's point view Masaya akong pumasok sa karinderya ni Tita ng salubungin niya ako. "Bakit ka nandito, doon ka na sana sa bahay para maka pagpahinga ka. Napagod ka kahapon." "Okay lang naman po ako dito Tita, tutulong nalang po akong magtinda." "Sabagay kung nandito ka mas dadami ang costumer natin." Nakangiting sabi ni Tita. Oras na ng merienda kaya maraming nang mamimili ang nagsimulang bumili, pansit, puto at ibang merienda ang nasa harapan ng karinderya. Kung may gustong kumain naman ng maagang pananghalian ay pwede na silang kumain sa loob. Mabilis lang naubos ang aming tinda sa harapan, papasok na sana ako sa loob ng makita ko si Harry na may buhat na sako. "Harry!" Tawag ko at natigilan siya pawisan ang kanyang mukha. Mabilis akong lumapit at agad na pinunasan ang mukha niya. "Alam ko na kung bakit ka nandito, nandito pala si Miss Intramural." Kantiyaw sa kanya ng kasama niya at parang namumukhaan ko siya. Hindi siya nagsalita at nilampasan lang ako kaya napasimangot akong napatingin sa kanila papalayo. "Sino ang mga iyon?" tanong ni Tita ng lumapit sa akin. "Mga kakilala lang po Tita." "Eh bakit ka nakasimangot?" "Yung si Harry kasi hindi niya ako pinansin." "Alin doon yung may itsura? ngayon ko lang nakita ang bata na yun dito." "Opo Tita pero kapitbahay natin siya Tita. Siya ang nangungupa ngayon sa bahay paupahan ni Aling Lolit." "Hayaan mo na kung hindi ka pinansin, pasok ka na sa loob." Napahinga na lang ako ng malalim at pumasok na sa loob. Sa cashier ako pinaupo ni Tita dahil minsan ay may mga kostumer na bastos. Minsan ang akala nila sa karinderya ni Tita ay isang club dahil may kumausap sa akin na lalaki na e table daw niya ako. Natapos ang buong maghapon at naubos na ang paninda ni Tita. "Tayo na Angela, yung tirang ulam ay iuwi na natin para yun nalang ang ulamin natin mamaya. Kumuha ka lang ng sakto sa atin at yung iba ay paghati-hatian na ng mga ate mo." "Sige po Tita." Sagot ko na tumulong kina Ate na magligpit. Sa gabi ay konti lang ang kinakain namin ni Tita. Si Tito lang talaga ang malakas na kumain sa bahay. Isa siyang security guard sa isang bangko kaya sabado at linggo ay wala din siyang pasok. "Ate, kayo nalang ang bahala sa natira. Sabi ni Tita ay iuwi na daw ninyo." "Ay salamat naman." halos sabay na sagot ng dalawang binabayaran ni Ate na tumutulong sa amin. "Tita, okay na po." Sabi ko habang kinukuha ni Tita sa lagayan ng pera ang kinita niya ngayon." "Mukhang malaki ang nakita natin ah." Masayang sambit niya. "Ang dami pong costumer kasi kanina Tita, halos walang maupuan ang iba." "Ayoko man na nadito ka pero ikaw ang swerte ng karindirya." Nakangiting sabi niya. Napangiti naman ako dahil ang bait talaga ni Tita sa akin. Inilagay niya ang pera sa bag at naiwan na sina Ate. Sila nalang ang bahala na magsarado ng karinderya. Bukas ay maaga na naman na babalik si Tita dito sa palengke dahil tumutulong din siyag magluto at siya na rin ang maagang namamalengke ng iluluto nila. Dapat ay maaga din akong magising bukas ayokong maiwan sa bahay na kami lang ni Tito. Lumakad na kami, may araw pa kahit hapon na. Habang naglalakad kami ni Tita ay nililibot ko ang aking paningin. Hindi ko na makita si Harry baka uuwi na ito. "Dito ba nakatira yung Harry?' Tanong ni Tita at tumango ako ng nasa harapan na kami. "Tita, pwedeng kausapin ko si Harry?" "O sige. Pero huwag magpapagabi. Mukha naman siyang mabait at pogi pa." sabi naman ni Tita na nakangiti, nauna na siya sa bahay. Excited akong kumatok sa pintuan, naka ilang katok na ako bago nagbukas ito. "Hi Harry." Nakangiting bati ko at parang nagulat siya. Ang gwapo niya talaga lalo na ngayon na bagong paligo siya at basa ang kanyang buhok. "What?" Masungit na tanong niya. "What ka diyan, pwedeng pumasok?" "No." "Ba hala ka diyan, Yes para sa akin." Sagot ko na pumasok na sa kanyang bahay. Nagulat ako dahil ang ganda sa loob. Kompleto ng mga gamit at mas malaki pa ang tv niya sa bahay. "Wow!" Bulaslas ko na umupo sa kanyang sofa. "Get out." Masungit na sabi niya. "Wow, ang ganda naman dito. Paano ka nakabili ng mga ganito." Nagtatakang tanong ko. "Wala kang pakialam, lumabas ka na." Sabi niya na hinala ang kama ko papalabas pero nag pabigat ako. "May Jowa kang bakla ano?" Tanong ko at nagsalubong ang kanyang mga kilay." Totoo bang nandito ka dahil sa akin?" tanong ko pa na tinitigan siya. Wala akong sagot na natanggap sa kanya. Nang hinila ko din ang kanyang kamay ay napangiwi siya. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. "Masakit ang balikat ko." Sagot niya na hinawakan ito. "Halika, hilutin ko." Sabi ko na hinila siya ulit. Ang naka-upo siya ay bigla ko siyang itinulak papahiga sa maganda niyang sofa. "Anong gagawin mo?" "Hihilutin nga kita, gusto mo bang naka dapa ka o naka tihaya?" "Ang balikat ko ang masakit bakit kailangan pa na humiga ako." Sagot niya na bumangon. "Mahihirapan akong masahiin ang balikat mo, higa na." Seryosong utos ko at dumapa ito. Mabilis akong umupo sa kanyang baywang. "Mabigat ba ako?" "No." Sagot niya kaya minasahe ko na ang kanyang balikat kasama ang kanyang likuran. Naririnig ko ang mahina niyang pag-ungol na parang nasasarapan sa aking masahe. Ilang saglit lang ay tahimik na siya at nang tignan ko ang mahimbing na ang kanyang tulog. Napangiti akong umalis sa kanyang likuran at umupo sa sahig na nakatitig sa gawapo niyang mukha. "Love na kita agad." Sambit ko na pinatakan ng halik ang kanyang namumula at nakabukas na labi. Mukhang pagod nga siya. Tumayo na ako at pumunta ako sa maliit niyang kusina. May pagkain na siyang naluto at nang binuksan ko ang bago niyang ref ay napanga-nga ako sa dami ng laman. Kumuha ako ng mansanas, pinunasan ko lang sa aking damit at agad na kinagatan. Binalikan ko siya sa sofa at mahimbing parin ang kanyang tulog. Mas maganda kungsa kwarto na sya matutulog dahil baka papakin siya ng lamok. Napatingin ako sa orasan, mag alas sais palang kaya hinila ko nalang ang kanyang electricfan at binuksan ito. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto niya at napanga-nga ako dahil ang ganda ng kanyang bed. Parang ang sarap humiga kaya humiga na muna ako at niyakap ang kanyang unan. Ang bango-bango ng unan niya, parang amoy mayamanpero bakit siya kargador sa palengke at ang mga damit niya ay luma na. Natagalan akong humiga sa kanyang kama at naidlip pa talaga ako. "Hey wake up." Dinig ko na may gumigising sa akin. Pagmulat ko ay ang gwapong mukha ni Harry. "Ang sarap humiga dito sa kama mo." Sabi ko na hindi bumangon. Hindi ko pa siya masyadong kilala pero ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya. Love na love ko na nga siya. "Kailangan mo nang umalis, it's getting dark." Agad naman akong bumangon dahil baka magalit si Tita. Kinuha ko ulit ang mansanas at kinagatan ko ito dahil sobrang tamis. "Salamat dito ah." Nakangiting sabi ko dahil nahalikan ko na ang kanyang labi na hindi niya alam. Huminga lang siya ng malalim. " Pwede next time dito ako tumambay ng sabado at linggo?" "Why, hindi tumutulong ka sa Tita mo?" tanong niya at natigilan ako. "Kilala mo ang Tita ko?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot, inulit niya lang ang why niya. "Kasi, hindi ko komportable na kasama si Tito sa bahay." Mahinang sagot ko. "Okay, pero mag-isa ka lang. May trabaho ako." "Ah ganun ba, ayoko namang mag-isa maaga nalang akong pumunta sa palengke. Sige na aalis na ako." Sabi ko at mabilis na humalik sa kanyang pisngi. "Bakit mo pinunasan?" "May laway na sumama." Sagot niya at napangiti ako. "Gusto mo sa lips?" may panunuksong tanong ko at nagdilim ang kanyang mukha. "Joke lang!" Agad na bawi ko. Binuksan na niya ang kanyang pintuan at lumabas na ako. May sasabihin pa sana ako pero mabilis niyang isinarado ang pintuan. Umuwi na ako sa bahay at pagdating ko ay nanunuod sina Tita sa sala. "Kumusta ang pinuntahan mo?" agad na tanong ni Tita. "Okay naman po tita." "Ikaw Angela, kumakarengkeng kana. Ikaw pa talaga ang dumalaw sa lalaki?" "Love, hindi naman karengkeng si Angela. Mukhang mabait naman ang kakilala niya." Pagtatanggol sa akin ni Tita. "Ikaw na rin ang nagsabi na bago mo lang nakita." Galit na sambit ni Tito kaya sabay kaming natahimik ni Tita. Sa bahay kasi ay takot kami sa kanya lalo na kung lumakas ang boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD