Angela's point of view continues Ilang oras na din akong naka kulong dito, sana ay okay lang si Harry at Tita. Tumulo nalang ang aking luha at naiisip ko na mas gusto ko na lang mamatay kaysa ma baboy ang katawan ko. Habang umiiyak ako ay bumukas ang pintuan at walang iba kundi si Tito may kasama siyang babae na may hawak na paper bag. "Ito ang mga isusuot niya sa bidding." Sabay inilabas ng babae ang mag damit at natatandaan ko ang mga ito. Ito yung damit na nakita ko na inilagay niya sa ilalim ng aking kama. "Tito gusto ko nang umuwi. Please po." Pagmamakaawa ko na sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. "Tumigil ka na sa pag-iyak Angela, isang gabi lang at kung magustuhan ka ay mas malaking pera ang kikitain mo." "Tito, hindi ko po kailangan ng pera. Kung gusto ninyo po magtrabaho

