Kiko's point of view Nagtataka ako kung bakit wala si Harry ngayon, paano namin pag-uusapan ang plano niya sa kaarawan ni Angela? "Kuya Mateo, bakit hindi pumasok si Harry?" "Hindi ko din alam eh, nagtataka nga din ako." Sagot ni Kuya hanggang sa nalaman nalang namin ang nangyari sa kanila ni Angela at nasa hospital ang Tita ni Angela. Gusto ko man tulungan ang kaibigan kong si Harry na hanapin si Angela pero paano na ang kakainin ng kapatid ko kung hindi ako mag trabaho. Nakapagtapos ako ng high school at sinubukan na mag-apply na Janitor pero walang tumanggap sa akin dahil dapat college level daw. Nanlumo akong bumalik sa bahay, bago ako umuwi ay kinuha ko na muna ang kapatid ko sa aming kapitbahay. Nag bayad ako ng isang daan para bantayan siya. Nakita ko siya na nakikipaglaro sa

