Dark's point of view Nagpa-alam na ako kay Kuya Rafael, kung gaano ka aloof si Kuya Jansen sa mga babae ay ganun naman siya kasiba na parang mawawalan na ng babae. Habang naglalakad ako ay may humarang sa akin na babae. "Hi, I am Beatrice. Bagay saiyo ang uniform mo." Nakangiting pagpapakilala niya, maganda naman siya kaya tinanggap ko ang kanyang kamay. "I'm Dark" Sagot ko at nag-usap kami saglit. "Today is my birthday, please come." Sabay sinabi niya kung saan gaganapin. "Yeah, sure." Sagot ko at medyo natigilan ako ng bigla siyang yumakap. I didn't hug her back at ilang saglit lang ay kumalas na siya. Masaya niyang nagpa-alam dahil tinatawag na siya ng kanyang mga kaibigan. Kumaway na lang ako at lumakad na rin. Nang malapit na ako sa room namin ni Emerald ay nakita ko siyang m

