Angela's point of view Sobrang bigat ng pakiramdam ko, pag mulat ko ay nasa ibang kwarto na ako. Babangon sana ako pero may mga aparato na naka kabit sa aking mga kamay pati na ang aking mga hita. Naiiyak akong tinawag si Harry, sa ikatlong tawag ko ay nag bukas ang pintuan at agad niya akong niyakap. "Anong nangyari, nasa kwarto lang ako na natulog kanina." Umiiyak na sambit ko na may halong takot. "Shhhhh everything will be okay, anong pakiramdam mo?" "Pagod na pagod at parang nang hihina." agad sagot ko. Sinabi niya ang nangyari sa akin, ako man ay nag tataka pero naalaa ko na may ininom ako bago ako inantok ng husto. "Ang Ama ko?" Agad na tanong ko dahil dalawa kaming uminom. "Nasa Pilipinas, sinundan ang anak natin." "Sinabi mo sa kanya?" "Yes, naawa kasi ako kaya sinabi

