Dark's point of view Nang mahimbing na ang tulog ni Emerald ay mabilis akong nagbihis. Lumabas ako sa kwarto at sinigurado kong naka locked ito. Lumakad na ako papunta sa venue kung saan gaganapin ng birthday party ni Beatrice. Habang naglalakad ako ay ang dami nang nagkakasayahan malapit sa dagat. Gusto mo mang isama si Emerald pero bawal sa kanya ang magpuyat. Malayo palang ako ay sinalubong na ako ni Beatrice ang lakas din ng panginin nito dahil hindi naman masyadong maliwanag pero nakilala ako. "Dark ohhh my God you are here! akala ko hindi ka pupunta." Bulaslas niya na yumakap sa akin. Amoy alak na siya at mukhang marami na siyang nainom. Ipinakilala niya ako sa kanyang mga kaibigan, maraming nagtanong kung kilala ko ang General dahil kamukha ko daw ito. Sinabi ko na nagkataon lan

