Kamahalan's point of view Nakayakap ang aking asawa habang hinihintay namin ang resulta ng MRI ng nag-iisa naming anak. Na CT scan na siya noon pero normal naman ang resulta. Pero dahil laging sumasakit ang kanyang ulo at minsan pang nawalan ng malay ay sinabi na ng aming anak na panganay na ipa MRI ito. "Love sabihin na kaya natin sa Itay mo ang nangyayari kay Jr." "Hindi pwede Love kilala mo ang anak natin kaya niyang hindi tayo kibuin. Natiis niyang hindi niya tayo nakasama ng halos limang buwan ng tumira siya malapit kina Angela. Baka tuluyan na siyang aalis sa bahay kung malaman ito ni Itay. Kinausap na niya tayo na hindi siya aalis sa bansa hanggang sa hindi mahanap si Angela. "Paano sina Kuya Tort at Tali hindi ba sila mag susumbong?" "Malaki ang respeto nila sa kay Jr lalo na

