Chapter 47

1302 Words

Angela's point of view Nang tatlong buwan na ang baby ko ay nagtrabaho na ako, dala-dala ko siya sa aking trabaho. Tinulungan ako ni Ate Belen na lagya ng portable crib. Matulog at dumede lang naman siya sa akin kaya nakapagtratrabaho ako. Kapag uuwi na kami ay iniiwan ko na ang crib sa storage room at isinasakay ko na siya sa kanyang stroller. Araw-araw kaming naglalakad na mag-ina kaya halos lahat ng mga kawal ay kinalala na ako. "Ate Angela, wait I just want to see Harry!" Sigaw ni Fred na tumulong sa akin noon. Kahit mataas ang katungkulan ng ama nito ay napakabait niya taliwas sa sinasabi ng mga anak ni Ate Belen na kambal. Nalaman ko na Pilipina pala ang Mommy niya kaya kahit paano ay marunong siyang magtagalog. "Asan ang kambal mo?" Tanong ko at kinuha niya sa stroller si Harry.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD