Kaito Tanaka, ang CEO ng pinakalamaking automobile industry na nakabase sa Japan. Ilan taon na rin sila namamayagpag sa automobile industry kaya siguro naisipan ng ama ni Raphael na si Richard Koch na makipagsundo sa kanilang pamilya para sa extension ng kanilang kompanya. Ayon sa mga nabasa ko tungkol sa mga Tanaka, isa sila sa nirerespeto sa Japan dahil sa kanilang mga sasakyang ginawa para sa mga tao. Taon taon ay nag-lelevl up ang kanilang mga ginagawa at ngayon nga ay abala sila sa kanilang project na kung saan gagawa sila ng sasakyan na ang gagamiting gasolina ay tubig. Ilang taon na rin nila itong ginagawa at ayon sa mga nabasa ko ay malapit na nila itong maisakatuparan. Wala pang kongkretong taon kung kailan nila ito ilalabas pero alam ko na kapag natuloy ang kasal ni Raphael a

