Simula noong pumunta si Yutsuki sa Mythic Building, halos araw-araw na siyang nandoon at pilit na kinakausap si Raphael para sa kanilang kasal. Palagi naman na tumatanggi si Raphael sa kanya at sa huli ay umaalis na lang kami ni Raphael para takasan ang babaeng iyon. Sa mga nagdaang araw, naging maayos naman ang aking buhay sa eskwelahan at sa relasyon naming dalawa ni Raphael. Mas lalo niyang ipinakita sa akin kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya ako ipinaglalaban sa gusto ng kanyang ama. Ang palaging sinasabi sa akin ni Raphael ay magtiwala ako sa kanya at malulusutan din daw namin ito na pinanghahawakan ko naman. Matapos ang huling exam ngayong semester bago ang summer vacation, nabunutan ng lahat ng malaking tinik ang mga estudyante. Ang gagawin na lang namin ngayon ay ma

