Chapter 3

2140 Words
Mag-iisang buwan na rin simula noong pumasok ako dito sa Glennford at masasabi kong maayos naman ang buhay ko dito. Sa isang buwan na pananatili ko dito, mas lalo kong nakilala ang tinatawag nilang Mythic V dahil sa mga nakakasangkutan nilang gulo. Hindi ako makapaniwala na walang magawa ang Glennford sa mga lantaran nilang ginagawa sa mga gaya naming estudyante. Ayon sa mga narinig ko, mahigit sampu na ang natanggal o 'di kaya naman ay nagdrop dahil lang sa mga maliliit na bagay tulad na lang na nasagi lang nila si Raphael, kapag pinag-uusapan nila ito at hindi niya nagustuhan, meron pa 'yong babaeng nagbigay sa kanya ng cake na tinanggap naman daw niya pero deretso ito sa kanyang mukha. Mga ganoong senaryo lang na kung titignan ay hindi makatarungan. Nabalitaan ko rin na mahina ang ulo ni Raphael at nakakapasa o matataas lang ang mga grado niya dahil takot ang mga proffesor na mawalan ng trabaho. Iba talaga ang mayaman, nagagawa ang lahat ng gusto sa buhay! "Tapos mo na 'yong pinagapagawang report ni Mr. Antonio?" tanong sa akin ni Alfred habang naglalakad kaming dalawa papunta sa aming classroom. "Malapit ko nang matapos, ikaw?" sagot at pabalik kong tanong sa kanya. "Hindi ko pa nga nakakalahati, eh. Ang hirap naman kasi ng ibinigay niya," halata sa kanyang boses ang pagkadismaya. "Huwag kang mag-alala, kapag natapos ko ang report ko ay tutulungan kita," nakangiti kong sambit sa kanya. Parang lumiwanag naman ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Hinarap niya ako na nakangiti. "Totoo ba 'yan Kiko?" nakangisi niyang tanong sa akin. "Oo kaya huwag kang mag-alala, matatapos mo rin 'yon," paninigurado ko sa kanya. "Sinabi mo iyan, ah! Naku! Salamat talaga at nakilala kita! Hulog ka ng langit sa akin, Kiko!" sabi pa niya na sinabayan pa niya ng pagpalakpak. "Tumigil ka nga at baka sabihin ng mga tao na nababaliw ka na, " pagsuway ko sa kanya. Imbes na tumigil ay hinawakan pa niya ang dalawa kong kamay. "Wala akong pakialam sa kanila basta masaya ako na kaibigan kita!" galak niyang sambit sa akin. "Tara na nga at baka malate tayo!" anyaya ko sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, noong maglakad at humarap si Alfred sa daan ay bigla siyang nakabunggo ng isang tao. Ok lang sana kung simpleng mag-aaral lang ang nabangga niya pero hindi! Si Raphael! Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan at para bang sobrang takot niya nang makita niya ang nanlilisik na mata ni Raphael. "Pa-pasensya na Raphael, hindi ko sinasadya," nauutal na paghingi niya ng paumanhin dito. Napalibot ako sa aming kinalalagyan at marami nang tao na tumigil at nanood sa amin. May ilan pa na naglabas ng kanilang mga cellphone para kunan kung ano ang nangyayari at kung ano ang magaganap. " Raphael? " tanong ni Kean sa kanya. "Ma-Master Raphael! Patawarin po ninyo ako," halata sa boses niya ang takot. Napayuko na lang si Alfred. Tinabihan ko si Alfred para makita ang Mythic V. Kulang na naman sila, wala si Felix. Napatingin sa baba si Raphael kaya napasunod ako at nakita kong nadumihan ang kanyang sapatos. " Linisin mo ang aking sapatos," itos niya kay Alfred. Agad namang kumilos si Alfred. Kinuha niya ang kanyang panyo para panlinis sa sapatos ni Raphael pero pinigil niya ito. "Linisin mo gamit ang dila mo!" matapang niyang utos dito. Gulat na gulat si Alfred dahil sa gustong mangyari ni Raphael. Nagtawanan naman ang kambal at Jerry. "A-ano pong sabi niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Alfred sa kanya. "Bingi ka ba o talagang tanga ka lang na hindi makaintindi ng Tagalog? Ang sabi ko, linisin mo ang sapatos ko gamit ang dila mo!" Napalunok si Alfred. Napatingin siya sa sapatos ni Raphael at dahan dahan niyang inilalapit ang kanyang ulo sa sapatos nito. Nakakaramdam ako ng inis dahil sa nakikita ko. Napakuyom ako ng aking kamao. Nilapitan ko si Alfred mula sa pagkakaluhod at itinayo ito. "Huwag mong gawing mababa ang iyong sarili sa isang taong walang kwenta at walang kululuwa," sabi ko kay Alfred. "Pero..." hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang hilain ko siya papunta sa aking likod at ako ang humarap kay Raphael. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa amin dahil hindi makatao ang pinapagawa niya. "At sino ka naman?" tanong niya sa akin. "Francisco Tapang o pwede mo akong tawaging Kiko," nakangisi kong sagot sa kanya. "Master Raphael," narinig kong sambit pa ni Kean pero 'di ko na lang pinansin. "Ikaw ba ang maglilinis ng sapatos ko? Pakibilisan na lang kasi may klase pa kami," tanong at utos niya sa akin. Umupo ako sa kanyang harapan at inilabas ko ang aking panyo para sana linisan pero iba ang nangyari. Sinipa niya ako na nagdahilan para mapaupo ako sa semento. Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko siyang nakangisi na parang demonyo. "Hindi ba sabi ko ay gamit ang dila? At sino ka ba para makisawsaw dito!?" Nagngingitngit ang aking mga ngipin na tumayo. Matalim ang tingin ko sa kanya na humarap. "Kaibigan niya ako at sa pinaggagawa mo, para mong ipinapakita na hindi ka tao kundi isang Demonyo, ang utak mo ay parang sa hito na napakaliit o baka wala kang utak?! " matapang kong sagot sa kanya. Mas lalong nagalit ang kanyang mukha at hinawakan niya ako sa aking damit at hinila palapit sa kanya. "Anong sabi mo! Isa akong demonyo! Sa mukhang ito!? Sa napakaperpektong anyong ito, isang demonyo!!? Wala akong utak? Baka gusto mong mawala ka na sa mundo!? Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan! Hindi mo ba ako nakikilala!!" galit niyang sambit sa akin. "Kilala kita at sa pagkakaalam ko, baluktot ang bituka mo! Wala kang puso at kaluluwa sa kapwa mo at mukhang aso! !" matapang kong sagot sa kanya. Blag!! Natumba ako dahil sa malakas niyang suntok sa akin. Napapikit ako ng aking mga mata at muling tumayo. Blag!! Sinuntok ko rin siya kaya napaupo siya sa semento. " Wow! Ang ganda nito Bro! Kuhang kuha ko! " napatingin ako kay Kean na nakahawak ng Cellphone. "Upload natin ito sa page, malaking balita ito at ang Caption ay" Ang kaunaunahang taong nanuntok kay Raphael!"" sabi naman ng kambal niyang si Shane. Napabalik ako ng tingin kay Raphael na hawak hawak ang kanyang labi na dinurugo. Tumayo siya at hinarap ako. "Ang lakas ng loob mo para suntukin mo ang mukha ko! Hindi mo ba alam na alagang Belo ito!" sabi niya sa akin. "Wala akong pakialam," sabi ko pa sa kanya na lalong nagpaasim ng kanyang mukha. "Langya! Mag-ingat ka at baka hindi mo na makita ang buwan mamaya," sabi niya sa akin sabay talikod at naglakad palayo. "Teka Raphael, pwede ba namin ipasa itong video sa ABS-GMA para maiere sa national television?" tanong ni Kean sa kanya habang sinusundan ang kanilang lider. Nang makalayo sila ay doon ko tuluyang napansin ang mga tao sa paligid. Ang mga kababaihan at kabaklaan ay masama ang tingin sa akin. Para bang gusto nila akong sugurin anumang oras! Hindi ko na lang sila inintindi at kinamusta ko si Alfred. "Ok lang ako, ikaw nga ang nasuntok ako pa kinakamusta mo. Dumudugo rin ang labi mo, oh!" sagot sa akin ni Alfred. "Ok lang ako. Hindi mo yata natatanong na sanay din ako sa basag-ulo," pagmamalaki ko pa sa kanya. "Ikaw talaga, Kiko pero salamat, ha sa pagliligtas mo sa akin," "Ano ka ba Alfred, ang magkaibigan ay hindi nag-iiwanan!" nakangiti kong sambit sa kanya. Nagsimula na kami ulit maglakad ni Alfred. Habang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga tingin na ipinupukol nila sa amin o mas maganda yatang sa akin! Pagpasok namin sa classroom, napatingin silang lahat sa akin habang nakahawak sa kanilang cellphone at naririnig ko ang bangayan namin ni Raphael kanina. Lumapit sa akin ang dalawang babae at isang bakla. "How there you to punch punch my baby Raphael! Hindi ka na nahiya sa sarili mo!!" galit na sigaw sa akin ni Armando o mas kilala bilang Mandy. "Bakit naman ako mahihiya?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na may sumabunot sa akin. Napatingin ako dito at nakita ko ang nanlilisik niyang mata. Si Lily. "Maghanda ka na, Kiko dahil hindi lang si Raphael ang binangga mo kundi lahat ng tao dito sa Glennford!" sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at agad naman niyang binitawan ang buhok ko para makawala sa pagkakahawak ko. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at naglabas ng alcohol at nagsaboy siya sa parte ng hinawakan ko. Ang arte naman nitong babaeng to! "Bakit? Sino ba 'yon para ganyan na lang ang reaksyon niyo? Santo ba siya?" mga tanong ko sa kanila. "If I were you, Kiko, better to leave Glennford. Kung mahal mo pa ang buhay mo at huwag ka nang madalawang-isip pa!" sabi naman sa akin ni Nicole na para bang nagbibigay ng babala. Hindi ko na lang inintindi ang mga sinabi nila. Nagsipuntaan kami sa aming mga upuan nang dumating ang aming guro. Sabay kaming naglakad ni Alfred papunta sa Canteen. Habang naglalakad kami ay sinabihan ko siya na mauna na sa canteen dahil pupunta ako ng palikuran. Nang makapasok ako sa palikuran, deretsyo ako sa urinal at agad kong binaba ang aking zipper at umihi. Habang nasa ganoong pag-ihi ako ay naramdaman kong may tumabi sa akin sa kaliwa at kanan at umihi rin. Matapos akong umihi ay nagpunta ako sa lababo para maghugas ng kamay. Sumunod naman ang dalawang lalaki sa akin at naramdaman kong parang may kakaiba sa kanila. Napatingin ako sa kanila. Nakangisi silang dalawa na para bang may masamang plano. "Siya na siguro," sambit ng lalaki sa isa pang lalaki. Hinawakan ng isang lalaki ang aking braso. Mabilis akong nagpumiglas at lumayo sa kanila. Hinarap nila ako sabay patunog sa kanilang mga kamao. "Anong kailangan niyo!" matapang kong tanong sa kanila pero hindi nila ako sinagot. Patuloy sila sa paglapit sa akin at ako naman ay napapaatras na lang. Nang maramdaman ko ang pader sa aking likod, lalo silang napangisi at mabilis akong sinuntok ng isa sa akin tiyan. Napaubo ako ng kaunti dahil sa lakas ng pagsuntok niya. Inangat ko ang aking ulo at doon nakita kong susuntukin sana ako ng isa pa sa aking mukha pero nailagan ko. Mabilis bilis akong kumilos para makalayo sa kanila kahit kaunti. "Hindi ka makakatakas sa amin," sabi ng isang lalaki at mabilis niya akong sinugod. Kinalma ko ang aking sarili at inabangan ang pagsugod niya. Noong malapit na siya sa akin, mabilis kong sinipa ang kanyang tagiliran at pagkatapos ay ang kanyang baba! Natumba siya! Sumunod naman ang isa pa na galit na galit na sumugod. Nang malapit na siya ay agad niya akong inambangan ng suntok na iniwasan ko. Pumaikot ako sa kanya at gamit ang aking braso ay sinakal ko siya at ang isa naman ay sinusuntok ang kanyang tagiliran. Magkatabi silang dahan dahan na tumatayo. At nang tuluyan silang makatayo ay sabay silang sumugod sa akin. Dahil medyo bumagal ang kanilang kilos, madali ko lang itong naiwasan. Muli kong sinipa ang isang lalaki sa kanyang mukha at siniko naman ang isa. Napaubo sila sa ginawa ko. Buti nga sa kanila. "Hindi niyo yata natatanong na may alam akong basic self defense dahil miyembro ako ng taekwando noong junior at senior high school ako?" tanong ko sa kanila na halatang natakot. Dahang dahan silang napaatras habang nakaupo sa tiles ng cr. Nang ambangan ko sila na susugurin ko ulit ay mabilis silang tumayo at tumakbo palabas ng Cr. Napabuntong hininga ako. Humarap ako sa salamin para ayusin ang sarili at pagkatapos ay lumabas na ako ng Cr at pumanta sa canteen. Agad ko namang nakita si Alfred nang kumaway siya sa akin. May mga nabili na siyang mga pagkain at alam kong hinihintay niya ako. "Ang tagal mo naman, masakit ba tiyan mo?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Hindi, may nakita kasi akong dalawang ipis kanina," pagsisinungaling ko sa kanya. "Takot ka ba sa ipis?" tanong pa niya. "Hindi kaya nga tinapakan ko muna sila bago ako lumabas ng cr, eh" nakangisi kong sagot sa kanya at pagkatapos ay kumain na kaming dalawa. Alam kong si Raphael ang nasa likod ng pag-atake sa akin ng dalawang estudyanteng iyon. Kung inaakala niyang matatakot ako dahil sa pinaggagawa niya, sinisigurado kong hindi siya magtatagumpay. Anong akala niya sa akin, lampa? Hindi ako pinalaki ng aking mga magulang para apihin lang kung sinong Pontio Pilato, pinalaki nila akong lumalaban basta alam ko na ako ang tama! Nasa ganoong pagmemeryenda kami ni Alfred nang marinig namin ang tilian ng mga estudyante dito sa loob ng canteen. Sinundan namin ng tingin kung ano ang meron at doon ay pumasok ang limang kalalakihan. Ang Mythic V na kompleto! Nagpalinga linga si Raphael sa loob at nang makita niya ako ay lumapit sila sa kinalalagyan namin. "Buhay ka pa pala?" tanong niya sa akin. Nginisian ko siya. "Hindi ako takot sa mga ipis na pinadala mo. Baka pwedeng tigre sa susunod para ganahan naman ako?" "Huwag kang mag-alala, sa susunod ay Leon na ang ipapakilala ko sa'yo!" seryoso niyang sambit sa akin. "Ganoon ba? Sige ba, walang problema sa akin," Halata sa mukha niya ang inis. Ilang saglit pa ay tumalikod na sila at naglakad. "Anong mga ipis ang sinasabi niya Raphael? Huwag mong sabihin na ginalaw mo ang mga ipis ko!" tanong ni Shane sa kanya habang naglalakad palayo. Napailing na lang ako. Ang gusto ko lang sana naman ay normal ang magiging buhay ko dito pero parang nagkamali ako! Mukhang mapapalaban ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD