Chapter 4

2122 Words
"Bilisan mong kumain, anak at baka malate ka sa pagpasok!" napabalik ako sa katinuan dahil sa pagsita sa akin ni mama. "Opo," matamlay kong sagot sa kanya. Paano naman kasi, Ala-una na nang madaling araw ako nakauwi dahil sa dami ng costumers namin kagabi. Hindi nga kami magkandaugaga kung ano ang uunahin dahil sa dami. Hindi nga kami makapaniwala dahil kagabi lang dumagsa ang mga tao na hindi namin alam kung saan galing ang mga iyon. Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay mama at naghinatay ng sasakyan. Nakatulala lang ako, inaantok at medyo hindi pa humuhupa ang pagod sa aking katawan. Napabuntong hininga na lang ako nang makababa ako ng jeep at naglakad pagpasok ng campus. Pagpasok ko pa lang ay sumalubong na sa akin si Alfred na humihingal. "OH? Bakit hinihingal ka?" nagtataka Kong tanong sa kanya. "U-muwi ka na, Kiko!" sabi niya sa akin na pinagtaka ko. "Bakit? Wala ba tayong klase?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na maraming mga estudyanteng naglalakad habang nakatingin sa akin na para bang may awa at ilan naman ay parang may galit. "Hindi mo ba natanggap ang text ko sa'yo? Ang sabi ko doon ay huwag kang pumasok dahil delikado ka!" Delikado? Saan? "Ano bang pinagsasabi mo Alfred? Kung tungkol kay Raphael, huwag kang mag-alala dahil kayang kaya ko naman siya," sabi ko na Lang sa kanya. "Pero..." "Hindi ako mapapatumba ng demonyong 'yon, Alfred kaya relax ka lang," nakangiti kong paninigurado sa kanya. Naglakad na ako para sana pumunta sa aking classroom pero natigilan ako nang makita ko ang aking malaking larawan na nakasabit malapit sa Flagpole at sa baba nito ay maraming mga bulaklak na pang patay! Meron pa doong nakasulat na "In Loving Memory of Francisco Tapang"! " Ba-bakit may larawan ako diyan?" nauutal kong tanong sa aking sarili. "'Yan nga ang pinagtataka ko kaninang dumating ako dito at nang mapanood ko ang video ay agad kitang binalaan na huwag kang pumasok," sabi sa akin ni Alfred sabay pakita sa akin ng video ng sinasabi niya. " Kung sino man ang makakapagbigay sa akin ng lalaking ito sa loob ng 24 oras ay makakatanggap ng gantimpala. Limang milyon! Limang milyon ang naghihintay sa inyo kapag nagawa niyo ang utos ko!" Nakangisi lang si Raphael habang nagsasalita at ipinapakita ang aking litrato sa Video. Napalunok. Bigla akong nabuhayan ng katawan dahil sa nangyayari ngayon! Wala na bang ibang magawa ang lalaking iyon at nagawa pa niya ang bagay na iyon. At teka, Limang milyon!? "Ano pang ginagawa mo, Kiko? Umuwi ka na at maghanap ka na ng ibang eskwelaan dahil kung hindi ay baka hindi ka na mabuhay!" nag-aalalang sambit sa akin ni Alfred. Tinignan ko siya. "Hindi, Alfred! Kung inaakala ng mukhang asong ulol na lumabas sa sagradong banga ng mga demonyo ay matatakot ako, nagkakamali siya! Sino ba siya para katakutan!?" matapang kong saad kay Alfred at doon ay taas noo akong naglakad papunta sa aming classroom. Kapansin-pansin ang mga tingin ng mga estudyanteng nadaraanan namin. Halos lahat sila ay nagbubulungan na alam kong ako ang kanilang pinag-uusapan. Pagpasok namin sa classroom, sinalubong ako nina Mandy, Nicole at Lily. "Now, You're dead, Kiko! 'Yan ang napapala mo sa paglaban kay Raphael!" nakangising sambit ni Nicole sa akin. "Don't worry, Kiko, I will donate a coffin for you," sabat naman ni Lily. "At sa akin na rin ang kape at biscuit!" masigla namang sambit ni Mandy. "Ano ba naman kayo, pinapatay niyo na si Kiko sa pinagsasabi niyo, ah," "Of course! We know naman na doon na ang bagsak ng panget na 'yan, Alfred! Kaya kung ako sa'yo, maghanap ka na rin ng ibang kaibigang poor kasi mawawala na si Mang Kiko dito sa mother earth!" sagot ni Mandy sa sinabi ni Alfred. Napabuntonghininga ako. "Baka gusto niyong mauna na sa akin kung hindi pa kayo titigil!" inis kong sambit sa kanilang tatlo. "Wow! Ang tapang mo naman Kiko, nakakatakot! Baka hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin?" may lamang saad ni Nicole sa akin. "Just one call away, Kiko ay maari ka na naming mapatumba at ialay kay Raphael at kami ang makakatangap ng pabuya na limang milyon! Siguro ay sampong libo lang ang ulo mo kung tutuusin," segunda ni Lily sa akin. "And you know, Kiko? Hindi kami magdadalawang-isip na patumbahin ka dahil sa totoo lang ay nakakasuka ka! Mahirap na nga, ang pangit pangit mo pa!" napapikit na lang ako dahil sa mga naririnig ko galing sa tatlong bruha na ito. Mahaba ang pasensya ko, hindi ko papatulan ang mga mababang-uri ng taong ito! " Alam niyo? Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, puntahan niyo si Raphael at magpaalipin sa kanya kasi parang gustong gusto niyo naman maging aso niya. Lalo na ikaw Mandy, hindi ka lang aso kundi mukhang kabayo!" sabi ko nang mahaba ang pasensya ko, eh! " Anong sabi mo!?" nagbago ang ekspresyon niya. " Ay, di ka lang pala mukhang kabayo, kabayong bingi rin pala?" " How dare you, Trash!!" galit niyang sambit sa akin sabay sabunot sa aking buhok. Hindi ako nagreact sa ginawa niyang pagsasabunot sa akin kaya hinila niya akong palabas ng classroom at doon ay mas malakas na niya akong sinabunutan. Inaawat naman siya ni Alfred pero parang sobrang nainis yata sa sinabi ko. Habang hinihila niya ako, nakakita ako ng basurahan. Noong palapit na kami sa basurahan habang sinabunutan ako ni Mandy, kinuha ko ang basurahan at mabilis na tinalukbong sa kanyang ulo. "Wahhhh!!!" matinis niyang tili. Napabitaw siya sa aking buhok at agad na tinanggal ang basurahan sa kanyang ulo pero may mga naiwan din mga pinagkainan at pinag-inuman sa kanyang ulo! "Nakakadiri ka talaga Kiko!!" nanggagalaiti niyang sigaw sa akin na kinangisi ko. "Dapat lang sayo 'yan! Baklang kabayo!" Pagkatapos kong sabihin 'nun ay muli akong naglakad papunta sa classroom. Napatingin muna ako kay Alfred na kaharap pa rin ang dalawang babae bago ako pumunta sa aking upuan. Napansin kong nakatingin ang mga kaklase ko sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Pagkatapos ng aming klase, sabay kaming pumunta ni Alfred sa canteen para kumain. Habang nasa ganoong pagkain kami, umalingawngaw ang loob ng canteen dahil sa pagpasok ng mga nagtatangkarang kalalakihan. Ang mga Basketball players ng Glennford! Ano naman ang ginagawa ng mga Basketball players dito? Inilibot nila ang kanilang paningin na para bang may hinahanap sila. Hindi ko na lang sila inintindi at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. "Ki-Kiko," pagtawag sa akin ni Alfred kaya napatingin ako sa kanya. "Pa-parang may mali?" nauutal niyang tanong kaya napalibot ako ng aking paningin. Awtomatiko akong napatayo sa aking kinauupaan dahil sa paglapit ng mga Basketball players kung saan kami nakaupo ni Alfred. "Ikaw ba si Fransisco Tapang?" tanong sa akin ng lalaki na nasa gitna. Siya ang pinakamatangkad at may pinakamalaking katawan at kapansin-pansin din ang pagkaitim ng kanyang balat na para bang isang gorilya! "Bakit? Anong kailangan niyo?" pabalik kong tanong sa kanya. Ngumisi siya sa akin. "Alam mo ba na ikaw ang sagot sa magiging bakasyon naming Basketball team sa Hong Kong?" tanong din ang naging sagot niya sa akin na pinagtaka ko. "Dahil sa nakapatong na limang milyon sa iyong ulo, magiging libre na ang bakasyon namin pagkatapos ng laro!!" sabi niya sa akin na sinabayan pa ng pagtawag ng kanyang mga kateam! Napalunok na lang ako. Napaatras ako ng kaunti at nang hahawakan na ako ng lalaki na nasa gitna ay mabilis ko siyang inilagan. " Huwag ka ng pumalag pa, maki-cooperate ka na lang para mas madali," sabi pa niya sa akin. "Mangarap kayo!" sigaw ko naman at doon na nag-iba ang kanilang mukha. "Kung ganun, pasensyahan na lang! Team, dakpin ang lalaking 'yan!! " sambit at utos niya sa mga kasama niya. Kumilos ang mga kasama niya at pinalibutan ako kaya umakyat ako sa lamesa. Nakatingin lang silang lima sa akin at nang kumilos na sila para kunin ako, tumalon ako at pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng canteen. "Habulin siya!" narinig ko pang sigaw ng isang lalaki. Hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo. Alam kong sinusundan nila ako at nang mapalingon ako ay nasa likod ko lang pala sila! Mabilis na ang pagtakbo ko pero malapit na sila sa akin! Ano pa nga ba ang aasahan sa mga basketball player, normal lang sa kanila na mabilis tumakbo! Paglabas ko ng aming building, hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko na nagawa pang mag-isip kung saan kaya takbo na lang ako nang takbo para takasan ang mga basketball players na 'yun! "Ayon siya!" dahil sa narinig ko, binilisan ko pa ang pagtakbo. Wala na akong pakialam sa mga estudyanteng nadadaanan ko basta ang mahalaga ngayon ay matakasan ko sila! Lumiko ako papunta sa likod ng isang building. Alam kong nasusundan nila ako kaya nang makakita ako ng isang pinto ay agad akong pumasok. Nang maisara ko ang pinto, narinig ko sila mula sa labas. "Nasaan na 'yun?" "Nakita ko siyang tumakbo dito!" "Tara, hanapin natin siya!!" Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman kong wala na sila sa labas. Pagdilat ko ng aking mga mata, doon ko nakita ang mga taong Nakatingin sa akin. "Hindi ba iyan 'yung pinapahanap ni Master Raphael?" tanong ng isang lalaki. Malaki ang katawan nito na hindi nakakapagtaka dahil..dahil napasok ako dito sa mga miyembro ng boxing team! Lumapit silang lahat sa akin. Lagpas sampo sila kaya muli na naman akong napalunok! " Ang swerte naman natin at lumalapit ang pera sa atin!" nakangising sambit ng isang lalaking nagtatanggal ng gloves sa kanyang kamao. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nang makalapit na sila sa akin ay mabilis akong lumabas at muling nagtatakbo. Malas! Malas!! Malas!!! Ngayon ay ang mga Boxing team naman ang naghahabol sa akin ngayon. Habang nasa ganoong paghahabulan kami, nakita rin kami ng mga basketball team kaya sumama na rin sila. Ano ba ang pinasok kong buhay! Bakit naging ganito!? Mabait naman akong tao pero bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin!? Muli akong lumiko dito sa likod ng library. Mapapansin na may mga puno dito na pwede kong pagtaguan. Nang makakita ako ng isang puno na pwedeng akyatin, mabilis akong umakyat dito at nanatili. Napahugot ako ng hininga. Nang tignan ko ang baba ng puno, laking gulat ko nang may makita akong isang lalaki na nakaupo at nakatingala sa akin! Hindi ako pwedeng magkamali! Ang lalaking ito ay miyembro ng Mythic V. Si Felix!! Ilang saglit pa ay dumating ang mga basketball players at ang boxing team. "Hindi ako pwedeng magkamali, dito siya dumaan!" sabi ng isa sa basketball team. "Hanapin siya! Wala na siyang matatakbuhan dito!" Nakita ko naman Si Felix na tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas. "Ano ang ginagawa niyo dito? Alam niyo ba na nakakaistorbo kayo sa pagtulog ko?" tanong ni Felix sa mga ito. "Hinahanap namin si Fransico Tapang, Master Felix. Hindi ba ninyo siya napansin?" tanong ng isang boxer sa kanya. "Wala naman akong napansin. Baka nagkamali lang kayo ng sinundan?" sagot at tanong niya sa mga ito. "Pero.." hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin nang mulling magsalita si Felix. "Pwede bang umalis na kayo dahil matutulog pa ako!" utos niya na may diin sa mga ito. Wala naman na silang nagawa pa kundi unti-unting napaatras at umalis sa lugar. Napabuntong hininga na lang ako nang tuloyan na silang makaalis dito sa lugar. "Bumaba ka na diyan, wala na sila," utos niya sa akin na agad ko naman ginawa. Pagbaba ko ay hinarap ko. Muli siyang umupo sa lilim ng puno at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi maikakailang gwapo din ang lalaking ito. Maamo ang kanyang mukha na para bang isang bata. " Salamat sa pagliligtas mo sa akin, pero hindi ba miyembro ka ng Mythic V? Bakit mo ako pinagtakpan sa kanila ?" pasasalamat at tanong ko sa kanya. "Kung miyembro ba ako ng Mythic V ay dapat kasali na rin ako sa pinaggagawa nila?" balik niyang tanong sa akin. "Pero, ka member mo sila, hindi ba? " "Wala akong pakialam kung miyembro ako o hindi sa tinatawag nilang Mythic V. Ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga isip-bata nilang ginagawa. Sabihin na lang natin na mga kababata ko sila pero may kanya-kanya din naman kaming buhay," paliwanag niya sa akin habang nakapikit pa rin. Meron din palang may matinong pag-iisip sa kanila at ito ay si Felix! " Pwede ba akong umupo rin? " tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot. Tinabihan ko siya sa pag-upo. Walang nagsasalita sa amin. Ipinikit ko rin ang aking mga mata at doon ay maramdaman ko ang masarap na ihip ng hangin. Presko ang lugar na ito na para bang ang sarap matulog! Hindi ko namamalayan, napapikit ako ng aking mga mata. Dahil na rin siguro sa pagod ko kagabi at sa nangyari ngayon kaya nakaramdam ako ng pagkaantok. *ITUTULOY*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD