Matapos magpahinga ni Raphael sa paglilinis sa salon ni Mommy Divine, agad din kaming umalis nang mabayaran ang serbisyo ni Raphael. Naglalakad kami ngayon habang nakatingin si Raphael sa perang bayad ni Mommy Divine sa kanya. " Seryoso talaga ito, Kiko? Dalawang daan lang ang bayad niya sa akin? " nagtatakang tanong ni Raphael sa akin habang naglalakad kami. " Malaking halaga na iyan, Raphael. Naglinis ka lang naman ng isang oras doon, eh kaya huwag ka ng magreklamo! " sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang saglit pa ay tumigil kami sa harap ng isang bahay at kumatok sa kanilang pintoan. " Magandang araw po, aling Aning, " pagbati ko sa kanya. " Magandang araw din, Kiko! Sakto ang dating mo kasi naglalaba ako! Alam mo naman n

