" Buti at nagatagalan niya ang mga pinagawa mo sa kanya Kiko,? " natatawang tanong sa akin ni Alfred pagkatapos kong ikwento sa kanya kung ano ang nangyari noong sabado. " Hindi nga ako makapaniwala na sumunod siya sa mga sinabi ko. Akala ko nga ay aalis na lang siya o pagsasabihan niya ako ng kung ano ano, eh " sabi ko kay Kiko. " Siguro ay talagang malakas ang tama sa iyo ni Raphael, Kiko! Akalain mo, nagawa niya ang lahat ng iyon para lang magkaroon ka ng feelings sa kanya? Hindi biro iyon, ah Kiko! Alam mo naman kung ano ang ugali niya, hindi ba? " sabi sa akin ni Alfred. Tama nga naman siya, si Raphael na arogante, mayabang dahil mayaman, maarte, may sayad ang utak ay nagawa akong sundin! Pero sa totoo lang ay napahanga ako ni Raphael sa kanyang ginawa. Gaya nga ng sinabi sa aki

