Chapter 2: HIS side

1109 Words
Chapter 2 Shayphan's  Ala's kuwatro pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil naka pangako ako kay Shaine na susunduin ko siya sa bahay nila at sabay kaming dalawa papasok sa school. Nilingon ko lang saglit si Phannie at agad na din akong pumasok sa banyo para maligo. Di ko alam kung gigisingin ko pa ba siya o wag na? Pero nakaka guilty kasi na ako ang unang lalaki sa buhay niya pero sa ganito lang pala matatapos iyon. Hindi ko naman alam na virgin pa pala siya, nakapag sisisi tuloy. Nakabanggaan ko lang siya kagabi at medyo nadala rin siguro ako ng alak kaya nangyari ang ganito. May girlfriend ako, si Shaine. At wala akong balak na iwan ang girlfriend ko ng dahil lang sa kanya. At alam ko din na magagalit sa akin ng todo si Shaine pag nalaman niya ito. Alam naman siguro niya na one-night-stand lang ang kung ano mang meron sa amin. At hindi ko na rin inaasahan na makikita ko pa siya ulit. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako kaagad at dumiretso sa lobby ng resort. Uuwi na ako, malayo pa ang babyahehin ko pauwi. Kinuha ko lang yung kotse ko sa parking lot at dumiretso na ng alis. Hindi ko na rin nagawa pang lumingon sa pinangagalingan ko dahil talagang nakokonsensya ako. Pero, pareho naman naming ginusto iyon. Kaya hindi ko dapat masyadong usigin ang konsensya ko. Pagadating ko sa bahay ay naabutan kong nag iimis ng pinagkainan sa dining area si Mommy at ang katulong namin. "Gareth! Where have you been? Pumunta dito si Shaine kagabi at hinahanap ka. Nagkita na ba kayo?" "Mamaya pa lang po Mommy. Saglit at magbibihis lang ako. May nine-o'clock class pa kasi ako" "Hindi ka na ba kakain? Ipaghahanda kita" "Sa school na lang po" Tinakbo ko na lang yung kuwarto ko sa taas at saka nag palit ng damit. Kinuha ko na lang din yung bag ko at saka ako dumiretso ulit ng labas. Susunduin ko pa si Shaine. Medyo malayo-layo din yung sa kanila pero ayos lang dahil makakahabol pa rin naman ako sa klase ko niyan. Pagdating ko sa village nila ay ang nakasimangot na muka nito ang naabutan ko habang tila inip na inip na nakatayo ito sa tapat ng gate nila. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito ng smack lang sa labi. "Saan ka galing Gareth?" "Nag ka siyahan kasi kami kagabi ng grupo, medyo nakainom ako kaya kanina lang ako nakauwi sa bahay. Pumunta ka daw sa amin kagabi sabi ni Mommy?" Tinitigan muna ako nito ng maige bago naiinis pa ring sinagot ang tanong ko.  "Naiwan mo kasi sa akin yung susi ng condo mo. Naisip ko na baka hindi ka makapasok, hindi naman pala kailangan" "Ganun ba? Sorry sa istorbo kung ganun" hinawakan ko na ang kamay nito at saka iginiya papasok sa kotse ko. Mahirap na baka ma traffic pa sa daan. Pagdating sa school ay naghiwalay din kaming dalawa dahil nasa kabilang building pa yung room ni Shaine habang nasa kabila din ang sa akin. Tila naman lumulutang sa alapaap ang utak ko habang nasa gitna ng klase. Nag aalala kasi ako kay Phannie. Phannie nga ba talaga ang pangalan nun? Pero yun lang kasi yung binigay niyang pangalan sa akin kagabi. Siguro kailangan ko na ding itakwil sa isip ko ang babaeng iyon. Wala na lang dapat iyon, kagaya ng mga nauna ko pang nakasama sa kama. At si Shaine lang dapat ang binibigyang pansin ko sa ngayon. Lalo na at naiinis pa ata sa akin ang isang iyon. "Gareth, nakita mo na ba yung ilalaban ng HRM department sa sportfest bilang muse? Ang ganda pala talaga ng isang iyon" Nilingon ko lang si Stephen saglit at saka ako umiling. Wala naman kasi akong pakialam dun. "Pare, silay tayo maya. O kaya samahan mo na lang ako. Na love at first sight yata kasi ako" Sira ulo talaga. Kung hindi ko pa alam eh, may girlfriend na din ang isang ito. Close friend ko si Stephen since first year college. At sanay na din ako sa words nitong na love at first sight daw siya. Nakakasawa na din pakinggan iyon, ang dali naman kasi ng isang ito ma fall sa mga babae kaya hindi naiiwasang pinag sasabay sabay na niya yung mga girlfriends niya. "Wala ng mas gaganda pa kay Shaine para sa akin, pare. Kaya lubayan mo ako" "Iba ito, ang ganda talaga. Kaya lang pihikan daw sa lalaki. Bakit ba ngayon ko lang napansin na may ganuong nilalang pala ang nagtatago sa HRM?" Bigla tuloy yung mukha ni Phannie ang pumasok sa  isip ko. Napaka ganda rin naman kasi ng isang iyon, kaya nga sa ganun kaming sitwasyon nahulog kagabi. "What's her name?" wala sa sariling tanong ko dito. Bakit ko pa ba natanong ang pangalan nun, baka isipin pa ng lalaking ito na interested din ako sa sinasabi nito. "Shayphan Edrillan Cheng, half Chinese daw kaya ang ganda" "Ano bang klaseng pangalan yun?" "Bakit? Cute naman ahh!" Tssss.. Pagkatapos ng klase ay sinundo ko ulit si Shaine. Pero sa mall lang siya nagpahatid may kailangan daw siyang asikasuhin. Pumayag naman ako, tutal may practice pa din naman ako ng basketball sa school. Bumalik na lang ako sa eskwelahan at saka ko tinext si Stephen na hahabol ako sa practice. Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko na kaagad yung babaeng mabils na naglalakad papunta sa gawi ko. Naka tungo ito kaya humaharang sa mukha niya yung mahaba niya buhok na hanggang bewang ata ang haba. Napansin ko din na hinahabol ito ng tingin ng ilang kalalakihan, tapos yung iba tila nag ha-heart shape pa ang mga mata. Ang OA. Aalis na sana ako para pumunta sa gym ng bigla ba namang mabangga sa akin ang babaeng ito na hindi ata marunong tumingin sa nilalakaran. Medyo masakit din yung impact ng pagkabangga niya! Hinawakan ko yung balikat niya para ilayo mula sa akin. Pero pag harap niya sa akin ay ang luhaang mga mata niya ang agad na sumalubong sa akin. At tila saglit ding tumigil ang pag-inog ng mundo ko ng makilala ito. What is she doing here?! Dito din ba siya nag-aaral? Patay ! "P-Phannie?" nabubulol na tanong ko dito. Habang tila nag pa-palpitate sa blis ng t***k yung puso ko. "S-sorry" mabilis siyang umalis sa harap ko at pumasok sa itim na kotse na noon ko pa ata pinag nanasaan. Yung alfa romeo na palaging naka park sa gawing yan ng gate. Sa kanya pala iyon. So it means, matagal na talaga siyang nag-aaral sa school na ito?! Pero bakit never ko pa ata siyang nakita?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD