Chapter 3: HER past

1253 Words
Chapter 3  Shayphan's  Pagka pasok ko sa condo unit ko ay agad kong inihagis na lamang sa kung saan yung sapatos ko at mabilis kong hinubad yung mga damit ko. Ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ko at parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang sakit na. Pabalibag kong binuksan yung CR sa kuwarto ko at saka malakas na binuksan yung shower. Gusto ko kasing magpakalunod at iiyak na ang sama ng loob ko. Wala akong pakialam kung hagulgol na yung ginagawa ko habang nakatapat sa shower. Wala namang makakakita sa akin, at wala rin namang may pakialam sa akin. Lahat ng lalaki ay pare-pareho lang! Puro katawan lang ng babae ang habol nila, masakit mang isipin pero iyon ang katotohanan. Pero wala naman akong karapatang masaktan ng ganito di ba?! Dahil una pa lang alam ko ng hindi kailanman mapapasaakin si Gareth. May nakauna na sa kanya. Tiyambahan nga lang ba talaga sa paghahanap ng mamahalin? Gaya din ba ako ni Mommy na minalas pagdating sa lalaki? "Aaaahhhhhh.........!" Sinuntok ko ng malakas yung dingding ng cr sa tapat ko at saka ako marahang napadausdos sa sahig habang walang tigil sa pag-agos yung luha ko. Nakakaawa dahil alam ko na ngayon ang pakiramdam ni Mommy ng iwan kami ni Daddy nuon para lamang sumama sa kabit niya na isang hamak na mahirap lamang! Mga mukang pera kasi sila! Patay gutom! Kaya yung mayayaman ang sinisilaw nila para lang makaangat sa pedestal na kinasadlakan nila. At ang tanga kong ama ay nabingwit lang naman! Wala siyang kwenta. FLASHBACK . . . . KAHIT FIVE YEAR-OLD PA LANG AKO, ay alam ko na ang nangyayari sa pamilya namin. Ang sabi pa nga noon ni Mommy ay matalinong bata daw ako dahil malakas ang pandama ko sa mga bagay-bagay. Mabilis din daw akong maka pick-up at never ko pinasama ang loob nila ni Daddy dahil alam ko ang tama sa mali. Masaya ang pamilya namin dahil mahal na mahal namin ang bawat isa. Nagsimula lang magbago iyon ng sa pagpunta namin ni Mommy sa office ni Daddy para sana bisitahin ito ay isang babae ang naabutan naming kahalikan ni Dad sa table niya. At kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit na nadama namin pareho ni Mommy ng maabutan ang eksenang iyon. Hindi kami nagpakita kay Dad, mabilis kasing hinatak ni Mommy yung kamay ko paalis sa lugar na iyon. Tinakot din niya yung secretary ni Dad na wag ipapaalam na dumating kami. Natakot naman si isa kaya nanahimik na lang siya. Akala ko duon na matatapos iyon kasi parang okay naman si Mommy habang nag dadrive siya pauwi sa bahay namin. Pero pagka park pa lang niya ng kotse sa garahe ay mabilis siyang tumakbo papasok ng bahay kaya naman sinundan ko siya. Nakita kong pumasok siya sa kuwarto nila ni Daddy kaya pumunta ako dun at sumilip sa siwang ng pintuan kasi nga di naman naka lock iyon. Nakita ko na hinahagis ni Mommy yung mga damit ni Dad sa sahig. As in lahat. Tapos may malaking maleta dun, dun niya nilalagay yung mga damit pag katapos niya mailabas lahat. Nalilito ako. Kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi hanggang sa pag-uwi ni Daddy. Narinig ko silang nagsisigawan ni Mommy. Tapos si Mommy, iyak ng iyak. Nakasilip lang ako mula sa taas. Natatakot kasi akong lumapit kina Mommy, gabing-gabi na din kaya naalimpungatan lang ako mula sa pagkakatulog. "Damn you Edd‼ mag sama kayo ng kirida mo! Nakakadiri ka! LUMAYAS KA NA AT DI KA NAMIN KAILANGAN NI PHANNIE‼ GET OUT! GET OUT!" narinig kong hysterical na sigaw ni Mommy. Tapos hinahampas pa niya yung dibdib ni Dad. "Shut up Drillan‼ punong-puno na ako sa iyo! Nahihirapan na akong pakisamahan ka, at pagud na pagod na din akong relasyong ito! Ayoko na! aalis na talaga ako" Pakisamahan? Napapagod na si Daddy na pakisamahan kami? "Ganun ba!? Sige! Humayo kayo ng kabit mo at magpakarami, pero never mo na makikita si Phannie! Akin siya!" Nakita kong napatingin sa akin si Daddy. Saglit lang iyon. Pero sapat na para masaktan ako ng sobra. Dinampot na ni Daddy iyong maleta niya at saka nag lakad palabas ng bahay. Tumayo naman ako kaagad at saka patakbong bumaba ng hagdan para habulin siya. Ayokong umalis siya. Ayokong iwan niya kami. Ayoko! "DADDY! DADDY!" Naabutan ko na binubuksan niya yung pintuan ng kotse niya. Paglapit ko sa kanya ay hinawakan ko yung braso niya at saka hinatak yung long sleeve na polo niya. "Daddy, p-please don't go. Don't leave us!" Lumuhod siya para magkapantay kaming dalawa, "Baby, aalis lang ako pero never kitang kakalimutan" "W-why are you doing this Dad?" "Sorry Babe, pero masyado ka pang bata para maintindihan ang bagay na ito. Someday, maiintindihan mo din na mahirap matali sa isang bagay na umpisa pa lang ay hindi na bukal sa loob mo" "W-what? Daddy, di mo na ba kami mahal ni Mommy?" patuloy lang ako sa pag-iyak at pagmamakaawa sa kanya na wag umalis. "Of course not! I love you Baby, and I will always love you forever. Mahal na mahal kita" pagkasabi niya nun ay tumayo na din siya at tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa kaniya. Sa pagkabitaw ko sa kanya ay tila unti-unting nabasag yung puso ko. Wala na akong nagawa kundi ang tanawin na lang siya papalayo. Wala na siya, as in wala na talaga. END OF FLASHBACK Since then ay never ko na nakita pa si Daddy... Wala na din akong balita pa na natanggap mula sa kanya. Pwera na lang ng magising na lang ako isang umaga na may alfa romeo na. The man who brought that car said that it came from to my father. I was dumbfounded that day dahil saka ko lang ulit naalala na may ama pa nga pala ako. Pathetic isn't it? Hanggang ngayon ay hindi pa rin pa pala ako nakaka move-on sa pangyayaring iyon. Samantalang si Mommy ay mukang Masaya na sa buhay niya. Naging kabila't-kanan yung naging boyfriend niya dati na siyang tinutulan ko ng todo. Pero nakahanap din naman siya ng lalaking para sa kanya. Si uncle Steve, nasa States sila ngayong dalawa at more than five-years na din silang dalawa nakatira duon kasama ng isa ko pang kapatid na babae na si Charrie. Pinilit ako noon ni Mommy na sumama sa kanya sa ibang bansa. Pero tumanggi ako, kasi hindi ko maramdaman na kaisa ako sa pamilya nila. Outsider ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing nanduduon ako. Hindi rin malapit ang loob ko kay Charrie. Bratinella kasi siya at naiinis ako sa kaisipang mas mahal siya ni Mommy kaysa sa akin. Mula ng iwan kami ni Dad ay napabayaan na niya ako, pero yung pangalawa niyang anak ay minahal niya ng sobra. To the point na halos nasasakal na ako sa tanawin nilang dalawa dahil sa totoo lang NAIINGGIT AKO! Natuto na akong mamuhay mag-isa simula ng tumuntong ako sa edad na labing-anim. Iniwan ako ni Mommy sa pangangalaga ni Tita Mildred pero umalis din ako sa poder ni Tita kalaunan. Sa ngayon ay ako ang namamahala sa resort na iniwan ni Daddy sa pangalan ko noon. At monthly din kung magpadala ng pera sa akin si Mommy. Pero never ko ginalaw ang perang iyon. Inilalagak ko lang iyon sa isang bangko. Ganito kasaklap ang buhay ko, ganito ka lungkot at kasira. At dahil sa kanilang dalawa ay lumaki akong hungkag. Magiging ganun din ba ang kapalaran ko gaya ni Mommy at Daddy? Siguro nga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD