Chapter 4
Shayphan's
Nagising ako sa sikat ng araw, medyo mahapdi na kasi sa balat iyon. Marahan akong tumayo at saka isinara ulit yung kurtina ng kuwarto ko para hindi makapasok yung sinag ng araw. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain.
Pagbukas ko ng :er at hinatak dun yung ice cream na binili ko nung isang araw. Sobrang frozen na niyon pero keri lang, kailangan ko ng malalantakan.
Umupo ako sa sofa at saka ko kinain ng kinain yung ice cream. Napalingon ako sa telepono ng tumunog iyon, wala sana akong balak sagutin iyon kung hindi lang sa ilang minuto na tumutunog iyon na tila inaasar lang ako. Inabot ko yung phone at saka ko lang inipit yun sa tenga at balikat ko habang patuloy lang ako sa pagkain ng ice cream.
"Hello?" wala sa mood na saad ko sa kung sino man ang hudyong caller na ito.
"Babe? How are you? It's me your Mommy"
Mas tila nawalan ng kulay ang paligid ko ng marinig ang boses ni Mommy. Hindi na ako na eexcite na malaman pa kung ano ang nangyayari sa buhay niya ngayon.
"Yeah, I'm good. How about you, Mom?"
"Oh, I'm great! Ayos ka lang ba diyan sa Pilipinas? Kailan mo balak bisitahin kami ng kapatid mo dito?"
Kapatid ko?
Wala akong kapatid...
"Soon" walang amor na saad ko na lang.
"M-may sakit ka ba, honey? Bakit parang ang tamlay mo?"
"Kumakain kasi ako kaya di ako makapag salita masyado" Palusot!
"Oh, I'm sorry. Naistorbo ba kita?"
"N-no"
"Pero na miss lang kasi talaga kita. Excited na din si Charrie na makita ka, alam mo bang ibinibida ka palagi ng isang iyon sa mga kalaro niya? She always tell them of how beautiful her sister is, nakakatuwa talaga. Maybe you should pay us a visit once you graduated. We really miss you, anak. It's been ages now since the last tine I saw you. Dalaga ka na siguro ngayon. You're tita Nildred told me that you are okay now on your own, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala sa pagiging independent mo."
"Ganun ba? Oh, let's just continue this chat later may pupuntahan pa pala kasi ako, baka ma late pa ako."
"O-okay. I love you, Phannie" mukang disappointed na sabi na lang niya sa akin.
"Bye, Mom" then I hang up the phone.
Hindi ko alam pero napaiyak na naman ako. Heto kasi dapat yung time kung kailan kailangan ko ng karamay, pero nasaan ang nag-iisang tao na alam kong natitira na lang sa pamilya ko? Nasa kabilang panig ng mundo. Nasa ibang bansa habang patuloy na inaalagaan ang anak niya sa iba.
Anong ipinag kaiba niya kay Daddy?
Yung circumstances lang ang naiba.
Patuloy na lang akong kumain ng kumain ng ice cream habang patuloy lang din na pumapatak yung luha ko sa pisngi.
Malakas ako, kailangan ko lang ay oras para makapag-isip at ng ma-over come ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Maya-maya ay naubos na pala yung kinakain ko kaya hinagis ko na lang iyon sa kung saan at saka nagbihis ng damit panglakad. Wala akong balak pumasok ulit ngayon, masasaktan lang ako kapag nakita ko ulit sila Gareth at Shaine.
Isang fitted jeans at shirt lang ang suot ko, okay na ito.
Pagsakay ko ng kotse ay agad kong pinaharurot iyon papunta sa resort. mag bababad na lang ako dun, wala pang istorbo. Di naman kasi alam ni Mommy yung number ng resort.
Pagbaba ko sa resort ay agad akong sinalubong ng guard at receptionist. Sinabi ko na lang na huwag ipag sabi sa iba na naririto ako, lalo na sa pinaka manager dahil nandito ako para mag relax at hindi para magtrabaho.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ko yung pinaka last floor ng resort na naka reserved lang para sa akin. Kuwarto ko ang buong floor na iyon at habang yung isa pang room ay ang office ko naman.
Ako mismo ang nag design sa kuwartong ito at ang mga staff lang ng resort ang may access para makapsok dito. Lalo na yung mga maintenance.
Pagkahiga ko sa kama ng room ko ay napansin ko na ilang text message na pala ang na received ng phone ko at lahat iyon ay mula kay Pichie.
*********
From: PICHIE*
Wer na u friend? Di ka nanaman ba papasok?! Grabe ka hinayaan na nga kitang mag walk out ng mag-isa kahapon, gang ngayon ba naman solitaire pa rin ang drama mo!
*********
*********
From: PICHIE*
Seryoso na ako! Nasaan ka, andyan sa resort mo at nagtatago? Haller! OTW na ako diyan, patay ka sa akin, remember ala akong pasok ngayon! Iinvade ko ang pag-iisa mo diyan...
*********
Baliw talaga itong bruha na ito. Tinawagan ko na lang yung guard sa ibaba na darating si Pichie kaya papasukin na lang nila yung isang iyon pag dating.
Binuksan ko yung sliding door sa tapat ng kama ko na nag co-connect sa verandah. Pumasok ako dun at saka naupo sa rocking chair na color white na nasa isang gilid.
Natatandaan ko pa dati na heto yung rocking chair na nasa kuwarto ko dati nung bata pa ako, sa tuwing binabasahan ako ng kuwento ni Daddy nuon about sa mga princesses ay kinakandong niya ako sa upuang ito at saka niya iuugoy iyon ng marahan.
Isinandal ko yung ulo ko sa headrest ng upuan at saka iyon marahang iniugoy, inaantok tuloy ako. Ang lamig kasi ng simoy ng hangin. Ang sarap matulog.
"Hmm..hmm..hmmm" kinakanta ko sa ganyan yung tono ng Never grow up na kanta ni Taylor Swift.
Nakakatuwa kasi yung lyrics nun, ang cute. Ganun siguro yung palaging iniisip ng mga magulang sa mga anak nila, pero hindi siguro sa mga magulang ko. Kaya sinumpa ko noon na kapag ako ang nag kaanak ay never ko siya iiwan, at hinding-hindi ko ipaparamdam sa kanya na nag-iisa lang siya sa mundong ito.
Na palagi pa rin siyang may katuwang sa lahat ng bagay, at ako nga iyon.
Yung nanay niya..